"Hindi Na Ko Kilala Ng Anak Ko Dahil Sa Traffic", Isang Ina Nagbahagi Ng Saloobin Kung Ano Ang Epekto Ng Trapik Sa Kanyang Pamilya

Ayon kay Felino “Jun” Palafox Jr., isang urban planning specialist na mayroong halos nasa 9 hanggang 15 taon ag buhay na iginugugol ng mga Pilipino sa traffic sa isang ulat mula sa Philippine Star.



Ayon kay Felino “Jun” Palafox Jr., isang urban planning specialist na mayroong halos nasa 9 hanggang 15 taon ag buhay na iginugugol ng mga Pilipino sa traffic sa isang ulat mula sa Philippine Star.

Lumalabas naman sa pag-aaral na isinagawa noong 2017 ng Boston Consulting Group na dahil sa traffic maraming buhay ng mga Filipino ang nauubos sa isang oras kada isang araw. Kaya't hindi nakakapagtaka na isa ang Pilipinas sa buong Southeast Asia ang may pinakamalalang traffic na dinaranas.

Mayroon ding nasa Php3.5 bilyon na "lost opportunities" ang nawawala sa mga Pilipino araw-araw pagdating sa pera ayon sa Japan International Cooperation Agency.

Marami sa mga nagtatrabahong mga ina at ama ang nagsasabi na sinukuan na nila ang traffic matagal na panahon na. Sa 50 na mga netizens na nagkomento, karamihan sa kanila ay mas pinili na lamang na magkaroon ng home-based work ng sa gayon ay hindi na sila lalabas ng bahay o di kaya ay maii-stuck sa traffic sa matagal na panahon habang ang iba naman sa kanila ay mas pinil na mag negosyo na lamang.


Ang mga netizens din ay mayroong pare-parehong mga sentimyento: ang magtrabaho na lamang sa bahay nang sa gayon ay magkaroon sila ng mas mahaba pang oras na makasama ang kanilang pamilya.

Pagbabahagi ng dating nagtatrabaho sa UP Technohub na si Pau Edra, dumadaan at naii-stuck siya ng dalawang oras papunta sa kaniyang opisina at dalawang oras din ang kaniyang gugulin pauwi naman sa kanilang bahay sa  Fairview, Quezon City kada araw. Dahil sa paulit-ulit na pangyayaring iyon, nagdesisyon na lamang siya na maghanap ng home-based work sa internet. Ang dating apat na oras na kaniyang ginugugol sa traffic ay naigugugol na niya sa kaniyang mga anak.

Ayon naman kay Oliver Lubiano, para lamang siya ay makaabot sa kaniyang shift sa ospital na alas sais ng umaga ay kinakailangan at napipilitan siyang umalis ng alas kwatro ng madaling araw. Alas singko naman ng hapon ang nagiging uwi niya at naabutan pa naman niyang gising ang kaniyang mga anak ngunit dapat ay alas dos pa lamang ay nakauwi na siya sa kanila, ngunit dahil sa matinding traffic ay hindi ito mangyayari.

Pahayag niya,

“Kung si Drew (Arellano), kailangan niyang makauwi by 7 p.m., ako target ko 5 p.m. makarating na ng bahay para mahaba ang ma-spend kong time with my baby (turning 7 months old). Nalulungkot na ako 'pag inabot ako ng rush hour or ma-trapik at makarating ako beyond 5 p.m.”

Kwento naman ni Diane Zolio na madalas na niyang hindi nakakasama ang kaniyang anak na labis niyang ikinalulungkot. Tulog pa ang kaniyang anak tuwing siya ay umaalis ng alas kwatro ng madaling araw at tulog na din naman ang kaniyang anak tuwing siya ay makakauwi ng kanilang bahay ng alas diyes ng gabi. Saad ni Dianne,


“Inaabot ako ng 3-4 hours one way pa lang. Mapapaisip ka talaga kung may sense pa yung pagttrabaho mo kung baka mamaya, ikaw mismo hindi na kilala ng anak mo.”

Ayon naman kay Kelly Summers na ngayon ay nahihirapan na siyang gawin ang mga simpleng bagay katulad ng pagpapa-print ng kanilang family photos dahil sa tindi ng traffic. Si Kelly ay bumabyahe pa papunta ng Quiapo. May mga oras din na naaabutan na siya ng oras ng pagpapasuso sa daan at nababasa na din ang kaniyang damit ng breast milk dahil na nga siya ay breastfeeding.

Hindi na din kinaya ng pads na baon at suot niya ang pag-agos ng kaniyang breast milk dahil na rin sa pagiging stuck sa traffic. Tulog naman na ang kaniyang anak tuwing siya ay nakakarating sa kanilang bahay.

May iba ding mga magulang na hindi na kinakaya ang mga commute pa papunta ng kanilang opisina at pauwi ng kanilang bahay kung kaya't sila ay napipilitan na isakripisyo na lamang ang kanilang mga trabahong nais na makuha. Meron ding mga magulang ang mas pinipili na mag half day o mag absent na lang dahil nais nilang makita o makapag bonding sa kanilang mga anak.

Karamihan din sa mga magulang ang makikita ang pagod sa kanilang mga mata lalo na tuwing may pasok ang kanilang mga anak. Kinakailangan nilang magluto ng baon ng mga ito, maghatid ng anak sa paaralan at marami pang iba.

Ang pagiging magulang ay talagang mahirap. Ngunit ito ay maaaring humirap pa lalo ngayon dahil ang traffic sa ating bansa ay tila naging palala ng palala.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,350,Tips,60,Trending,368,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: "Hindi Na Ko Kilala Ng Anak Ko Dahil Sa Traffic", Isang Ina Nagbahagi Ng Saloobin Kung Ano Ang Epekto Ng Trapik Sa Kanyang Pamilya
"Hindi Na Ko Kilala Ng Anak Ko Dahil Sa Traffic", Isang Ina Nagbahagi Ng Saloobin Kung Ano Ang Epekto Ng Trapik Sa Kanyang Pamilya
Ayon kay Felino “Jun” Palafox Jr., isang urban planning specialist na mayroong halos nasa 9 hanggang 15 taon ag buhay na iginugugol ng mga Pilipino sa traffic sa isang ulat mula sa Philippine Star.
https://1.bp.blogspot.com/-f4WN6FH4IMg/Xag_twDtscI/AAAAAAABxyg/vzcUNJMk8mwdsOOrbPSpciuYF6vDm8BGgCLcBGAsYHQ/s640/Trapik%2Blife.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-f4WN6FH4IMg/Xag_twDtscI/AAAAAAABxyg/vzcUNJMk8mwdsOOrbPSpciuYF6vDm8BGgCLcBGAsYHQ/s72-c/Trapik%2Blife.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/hindi-na-ko-kilala-ng-anak-ko-dahil-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/hindi-na-ko-kilala-ng-anak-ko-dahil-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy