Kamakailan lamang, isang guro na si NJ Reyes ang nagbahagi ng isang litrato na iginuhit ng kaniyang isang mag-aaral bilang sagot nito sa tanong na "ano ang pambansang isda ng Pilipinas"
Kamakailan lamang, isang guro na si NJ Reyes ang nagbahagi ng isang litrato na iginuhit ng kaniyang isang mag-aaral bilang sagot nito sa tanong na "ano ang pambansang isda ng Pilipinas"? na isa sa mga bahagi na mga gawain na kaniyang ibinigay sa klase.
Ngunit, tama naman ang sagot ng mag-aaral dahil bangus naman talaga ang pambansang isda ng Pilipinas. Pero ang nakakatuwa sa ginuhit ng mag-aaral na ito ay ang ang pritong dinaing na bangus na kung saan makikita ang bahagi ng tiyan ng bangus na paboritong paboritong kainin ng mga Pilipino.
Sinabi ng guro sa kaniyang post.
“Napahinto ako sa pagche–check… Diyos ko anak bakit mo naman pinrito ang pambansang isda?”
Marami naman sa ating mga netizens ang naaliw din sa ginuhit na bangus na bata. Narito ang ilan sa mga komento nila:
“Hindi nakakabusog ang isda na iyan… (except sa boneless) Daming tinik… Sana tilapya o tuna na lang naging pambansang isda kesa diyan.. Mas malaki pa oras na nilalalaan sa pagtanggal ng tinik kaysa sa mismong oras ng pagkain hahaha.”
“Dahil sa mahal ng bilihin, yung pambansang isda kapiraso na lang.”
“Tama yung bata, iyan kasing bangus kapag naprito na hati–hati sa bawat pamilya, hindi pwedeng isang buo, kailangan lahat ay makatitikim.”
“Prito na hahahaha talino naman ni Baby na nagdrawing niyan, sa susunod dapat may sawsawan na iyan ha… siguro iyan ang madalas na ulamin ng kaniyang pamilya.”
Ang milkfish o sa Tagalog ay bangus ay isang mabuto, matinik, o makaliskis na uri ng isda. Marami ding maaaring mailuto na iba't ibang putahe gamit ang bangus.
Maaari itong gawing relyenong bangus, maaari ding sinigang na bangus, o di kaya ay pritong bangus na katulad ng ginuhit ng bata. Maaari ka din bumili ng "boneless bangus" na nakakatulong upang hindi na masyadong kumunsoma sa oras ng pagkain ng bangus ang pagtanggal tanggal dito.
Ang bagus ay kilala sa Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan dahil madaming bangus ang kanilang nahuhuli sa mga dagat sa kanilang lugar at sa kanila din dinadaon taon taon ang “Bangus Festival”.
COMMENTS