sang netizen na si MarkyMark Masamloc Ajero ang kamakailan ay nagbahagi sa kaniyang Facebook account tungkol sa nangyari at malalang kalagayan ng kaniyang ina ngayon.
Ang ating mga guro ay maituturing na parang isa nating magulang dahil kapag tayo ay nasa loob ng paaralan sila ang gumagabay at nagtuturo sa atin ng tama at mali at mga dapat nating malaman na maaari nating magamit sa hinaharap. Sila din ay palaging handa na tulungan tayo sa ating mga problema o dinadamdam.
Ang ating mga guro ang nagsisigurado ng ating kaligtasan at iniiwas tayo palagi sa kapahamakan.
Katulad na lamang ng isang guro ng ginawa ng isang guro na ito sa kaniyang mga estudyante matapos tumama ang malakas na lindol sa kanilang lugar.
Isang netizen na si MarkyMark Masamloc Ajero ang kamakailan ay nagbahagi sa kaniyang Facebook account tungkol sa nangyari at malalang kalagayan ng kaniyang ina ngayon.
Ayon sa kaniyang post, ang kaniyang ina na si Erlinda Ajero na isang day care teacher sa Rodero Day Care Center sa Rodero, Makilala, North Cotabato ay iniligtas ang kaniyang mga estudyante upang ang mga ito ay hindi matamaan ng kung ano mang babagsak na mga bagay dahil sa lakas ng lindol.
Para na rin masiguro ang kanilang seguridad at kaligtasan, niyakap umano ng gurong si Erlinda ang kaniyang mga estudyante upang maprotektahan ang mga ito kung kaya naman siya ang natamaan ng pagbagsak ng dingding ng kanilang silid-aralan.
Hinihiling din ni Ajero sa mga netizens na isama sa kanilang mga dasal ang kaniyang ina na nakatamo ng mga malalalang injury at ang iba ding mga day care pupil na nagkaroon din ng mild injury.
Tunay nga na nakakabilid ang ginawang kabutihan ng gurong ito na handa niyang isugal ang kaniyang buhay para lamang sa kaligtasan ng kaniyang mga estudyante. Dasal namin ang mabilis mong paggaling Teacher Erlinda Ajero, kami ay saludo sa iyo at sa kabutihan at proteksyon na iyong ibinigay sa mga bata. Isa kang huwarang guro!
COMMENTS