Sa ulat ng GMA News, may isang tricycle na umaandar ang makina habang ito ay nagpapakarga ng gas at doon pinaniniwalaan nagsimula ang apoy.
Sa mga gasaolinahan madalas natin na makita ang mga signage na bawal magcellphone, bawal manigarilyo, bawal paandarin ang makina ng sasakyan habang nag kakarga ng gasoline pero madalas hindi sinusunod ng mga motorista ang mga ito. Kung saan hindi pagsunod dito ay nagreresulta ng disgrasya.
Katulad na lamang ng isang gasolinahan sa Dapa, Surigao Del Norte kung saan ito ay nasunog at pinaniniwalaan na ang dahilan nito ay dahil sa hindi pinatay na makita habang nagkakarga ng gasoline ang sasakyan.
Sa ulat ng GMA News, may isang tricycle na umaandar ang makina habang ito ay nagpapakarga ng gas at doon pinaniniwalaan nagsimula ang apoy.
Ang sunod ay inabot ng tatlong oras bago ito tuluyang maapula at masabing fire out. Ayon sa mga bumbero ito ay tumagal dahil sa hindi basta tubig lamang ang kaylangan kundi kaylangan pa itong gamitan ng kemikal upang maapula. Inabot sa 1.5 Million ang halaga na nasunog sa insidente.
Narito ang ibinahagi na video ng GMA News, na nakuhanan sa sunog. Kita ng kita ang maitim na usok na nagmumula sa nasabing gasolinahan.
Isa namang pump boy ng gasolinanhan ang naiulat na nasaktan na sunog.
Ibinahagi naman ng ilang netizen ang kanilang komento matapos mapanood ang video kung saan ilan sa mga ito ay nagsasabi na disiplina ang kinakaylangan ng mga nagpapatakbo at may ari ng mga sasakyan.
“Kahit anong dami ng signage kung hindi susundin at walang disiplina, wala rin.”
"Antok siguro yung empleyado ng gasolinahan or kaya na blangko maraming iniisip walang kain."
"Now lang ako nakarinig ng umaandar ang makina kasi lahat ng ng papagasulina patay makina kasalanan nya yan kung bakit nasunog."
"Camote rider, pati rin ang ng babantay camote rin, kaya damay damay na." "Basic safety protocol, Camote Rider."
Kaya muling paalala na lagging sundin ang mga signage na iyong makikita at wag itong basta ipagsawalang bahala lamang, kahit na nasaaang lugar pa kayo.
COMMENTS