Ayon sa isang report na nanggaling sa Rachfeed, isang OFW na naman ang nakaranas ng pagmamalupit ng kanyang amo.
Ayon sa isang report na nanggaling sa Rachfeed, isang OFW na naman ang nakaranas ng pagmamalupit ng kanyang amo. Bagamat maari naman syang magsumbong sa awtoridad o tumakas, punong-puno naman ang bahay neto ng CCTV camera. Dahil dito, mahirap para sa kanya ang kumilos.
Isa rin sa panukala ng kanyang amo na bawal ang paggamit ng cellphone pati na rin ng telepono. Bukod pa dito, ang pinaka-nakaklungkot ay bawal ring tumawag sa pamilya.
Alam naman nating lahat na napakahalaga ng mga bagay na magbubuklod sa ating mga pamilya. Dahil sa ganitong sitwasyon, walang kaalam-alam ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas kung ano ang kanyang kasalokuyang sitwasyon.
Dagdag pa, hindi rin daw neto nagagawang magpahinga sa kadahilanang lagi siyang nakikita ng kanyang amo sa pamamagitan ng CCTV.
Reklamo pa ng biktima, isang beses lang siya pinapakain sa kabila ng mabibigat na gawain sa araw-araw. At ang pinakamatindi pa ay ang senaryo na kung saan binuhusan siya umano ng kanyang amo kapag hindi sya nagigising ng alas sinko ng umaga (5am).
Sa kabutihang palad, nalaman ng isang tao ang kanyang sitwasyon sa bahay na yun at kinuhaan sya ng larawan. Bukod dito, nakuhaan rin sya ng video.
Sa kadahilanang ito, kumalat ang kanyang sitwasyon na naging daan para mai-report sa awtoridad ang pang-aabusong nangyari sa kanya. Maraming naawa na netizens kaya ang mga eto ay agad na pinakalat ang balita at nanawagan na rin na mapauwi at maparusahan ang amo netong umabuso.
Sa ngayon, nakabalik na rin ang kasambahay sa kanyang pamilya, habang ang kanyang amo naman ay sumasa-ilalim sa imbestigasyon. Maraming salamat sa social media at pati na rin sa mga taong nanawagan at umaksyon para maisalba ang kanyang buhay sa malupit nyang amo.
COMMENTS