Dalawang Magsasakang Naghuhukay Para Sa Drainage Pipe, Nakakita Ng Isang 'Lifetime Discovery'

Habang naghuhukay gamit ang backhoe ay may bigla silang nabangga na matigas na bagay sa walong talampakang hukay sa ilalim ng lupa.


May isang farmer na nagngangalan na James Bristle na taga Chelsea, Michigan. Napagkasunduan ni Bristle at ng kanyang kapitbahay na maglagay ng drainage pipe at ito ay ilalagay sa lupa ni Bristle.

Habang naghuhukay gamit ang backhoe ay may bigla silang nabangga na matigas na bagay sa walong talampakang hukay sa ilalim ng lupa. Noong una ay akala nila ay malaking kahoy at bakal ang kanilang nabangga ngunit nadiskubre nila na buto pala ito na may haba na 3feet o tatlong talampakan.

Namangha sila ng labis sa nakita nila sapagkat hindi pa nila nahuhukay ang kabuuan ng lupa na may buto. Suspetsa nila na ito ay dinosaur bone. Kaya kinontak agad ni Bristle ang University of Michigan Museum of Paleontology na sampung milya lang layo mula sa lupa ni Bristle.



Si Daniel Fisher na isang propesor at director ng nasabing unibersidad ang nag sagawa ng imbestigasyon tungkol dito. Dumating si Fisher kasama ang kanyang labing limang estudyante at dalawang tagahukay sa lupain ni Bristle at sinimulan na ang imbestigasyon.  Binigyan lamang sila ni Bristle ng isang araw para tignan at suriin ang nakitang buto umano ng isang dinosaur dahil kailangan din nilang ipagpatuloy ang paglalagay ng drainage pipe.



Nang mahukay ng mga tagahukay ang lupain ni Bristle ng sampung talampakan na ang lalim ay nakita nila ang napakalaking buto ng isang mammoth. Noong magdadapit hapon ay umabot na ng 20% ang buto na nakikita nila ng isang mammoth. Ang naturang buto ay halos buo pa na may bungo, sungay at mga buto sa kanyang katawan.


Ang mammoth ay isang hayop na may hawig ng elepante. Sinasabing sila ay nanirahan sa North America at naging extinct at tuluyang nawala noong 11,700 years ang lumipas. Ang mga butong ito ay pang 31 na nahukay sa lugar ng Michigan.

Sinabi ni Fisher na ang mga buto na nahukay ay galing sa lalaking mammoth na nabuhay 11,700 hanggang 15,000 taon ang nakalipas. Ayon din sa kanyang imbestigasyon ay namatay ang mammoth na ito sa edad na 40.


Sa ngayon ay ibinigay ni Bristle ang mga buto kila Fisher at ito ay ilalagak sa nasabing museo. Sinabi nya na ito ay tagumpay ng lahat dahil isa ito sa mga makasaysayang pangyayari sa kanyang buhay. Lahat ng tao ang makikinabang sapagkat nakapagbahagi sya ng isang hindi malilimutang kaalaman para sa karamihan.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Dalawang Magsasakang Naghuhukay Para Sa Drainage Pipe, Nakakita Ng Isang 'Lifetime Discovery'
Dalawang Magsasakang Naghuhukay Para Sa Drainage Pipe, Nakakita Ng Isang 'Lifetime Discovery'
Habang naghuhukay gamit ang backhoe ay may bigla silang nabangga na matigas na bagay sa walong talampakang hukay sa ilalim ng lupa.
https://1.bp.blogspot.com/-5pnKrO_4y9A/XbOZeRqF5uI/AAAAAAAByeE/9otFEoy_ahQjQ_WLWohfDH__Z_YhbS8HQCLcBGAsYHQ/s640/farmer%2Bmammoth.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-5pnKrO_4y9A/XbOZeRqF5uI/AAAAAAAByeE/9otFEoy_ahQjQ_WLWohfDH__Z_YhbS8HQCLcBGAsYHQ/s72-c/farmer%2Bmammoth.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/dalawang-magsasaka-naghuhukay-para-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/dalawang-magsasaka-naghuhukay-para-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy