Benjie Paras
Dalawang sikat na basketbalista na si Benjie Paras at Kieffer Ravena nag harap hindi basketball kundi sa isang programa ni Raffy Tulfo.
Ang dalawa ay nagharap upang pagusapan ang kanilang mga issue patungkol sa negosyong manokan ng dalawa.
Ano nga ba ang naging issue sa dalawang atleta na ito?
Panoorin ito sa video na ibinahagi ng Raffy Tulfo in Action YouTube channel, kung saan ang mga nanood na viewers ng mga ito ay umabot na sa mahigit tatlong million online.
Para sa mga hindi nakapanood ng video narito ang binitawan na pahayag ni Benjie Paras,
"Meron po akong franchise ng Uling Roasters, dun po magsisimula lahat ng aking reklamo.. Eh kasi idol, alam niyo po yung aking uling Roaster ang sinasabi po ng marami dito ay hindi daw masyadong masarap yung manok namin pero pwede na. Kaya lang okay na sakin yun, ang problema mayroon pong lumalaban samin na manok eh. Masarap daw eh, yung Chooks To Go.”
Pahayag naman ng NLEX PBA player na si Kiefer Ravena ay sinasabotahe ang kanyang negosyo.
“Ang nabalitaan ko po kasi, sinubukan pong lagyan ni sir Benjie Paras ng sauce yung Chooks To Go ko, yung sa sarili ko pang tindahan. Parang sabotahe po ata yun.”
Dagdag pa ng Ronald Mascarinas na Presidente ng Bounty Agro Ventures, na ang Chooks To Go ay mas malasa kumpara sa Uling Roasters kahit walang itong sarsa.
Hindi naman mapigilan ng mga netizen na magbahagi ng kanilang comment sa video kung saan ang harapan ng dalawa ay tila ba simpleng pagpapakilala ng kanilang negosyo.
Source: Raffy Tulfo in Action
COMMENTS