Ayon sa ulat, nakikinig lamang sa mga kanta si Alua Asetkyzy Abzalber, 14 taong gulang, sa kanilang tahanan sa Bastobe,
Siguro, halos lahat sa atin ay naririnig na sa ating mga magulang na hindi dapat natin gamitin ang ating mga cellphone tuwing ito ay nagcha-charge. Marami na ding sitwasyon na ganito ang kadalasan natin nakikita sa social media.
Katulad na lamang ng isang masakit at masaklap na pangyayari sa babaeng ito habang china-charge nya ang kaniyang smartphone.
Ayon sa ulat, nakikinig lamang sa mga kanta si Alua Asetkyzy Abzalber, 14 taong gulang, sa kanilang tahanan sa Bastobe, Kazakhstan habang ang kaniyang smartphone ay nakacharge. Ngunit hindi niya namalayan na nakatulugan niya ang smartphone sa ilalim ng kaniyang unan na naging sanhi ng pagkamat4y ng teenager.
Siya ay natagpuang p4tay at nakita na ang baterya ng kaniyang cellphone ay sumabog malapit sa kaniyang ulo. Ayon sa mga police, ang kaniyang cellphone ay nakacharge. Sinasabi na siya ay dumanas ng isang matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng p4gkamat4y nito kaagad.
Nang ang mga nagdadalamhating kamag-anak nito ay tumawag sa paramedics para makumpira kung totoo nga na ito ay p4tay na.
Makalipas ang ilang oras, kinumpirma ng Forensic experts na ang cellphone ay sumabog nang madaling araw dahil na rin sa tagal ng charge na ito kaya naman ito ay na-overheat, base sa mga local reports.
Ang kaniyang pagkam4tay naman ay inilarawan bilang isang kalunos-lunos at malagim na insidente.
Sa kabilang banda, ang brand naman ng nasabing smartphone, ay hindi isiniwalat.
Nag-post naman ang nanlulumong kaibigan ni Alua na si Ayazhan Dolasheva, 15 anyos, at sinabing,
"I still cannot believe it. You were the best. We have been together since childhood. It is so hard for me without you. I miss you so much. You have left me forever."
Nawa'y maging isang aral ang nangyari kay Alua sa ating lahat na dapat nating hindi gamitin ang ating mga cellphones habang ang mga ito ay naka-charge dahil may posibilidad na ito ay sumabog.
COMMENTS