Hindi ba kayo nagtataka kung bakit walang Mercury Drvgstore sa loob ng mga SM Malls?
Kilala ang SM Mall o Super Market Mall sa pagkakaroon ng ibat ibang madaming establishimento sa loob nito. Ngunit, hindi ba kayo nagtataka kung bakit walang Mercury Drvgstore sa loob nito ? Ano nga ba ang dahilan?
Si Henry Sy ay isang Chinese-Filipino na negosyante at itinuturing na pinakamayamang tao sa buong Pilipinas. Siya ang direktor ng SM Prime Holdings Inc. at siya din ang nagpasimula ng mga Super Markets o SM dito sa Pilipinas.
Masasabing ang mga SM Malls ay isa sa madalas na puntahan ng madaming tao sapagkat nandito na ang lahat ng kailangan mo na pwede mong mabili.
Si Henry Sy ay lumaki sa hirap. Noong sya ay bata pa ay nangangarap na syang maging mayaman kaya sumubok sya ng madaming negosyo ngunit marami sa mga pinasok nyang negosyo ay nabigo. Kaya mas naging determinado sya na kumita ng pera at nakapag simula ulit sya ng maliit na negosyo.
Pinasok nya ang pagbebenta ng sapatos. Ngunit nag iisip sya kung saan pwede itong itayo, at ng makita nya ang isang Mercury Drvg Store, nakita nya na madaming tao ang pumapasok. Kaya naglakas loob sya na makiusap sa may ari ng na kung pwede ay mag renta sya ng maliit na espasyo sa loob para doon ipuwesto ang kanyan maliit na tindahan ng sapatos.
Sa kasamaang palad, hindi sya pinayagan ng may ari ng at mula noon ay sinabi nya sa kanyang sarili na pag sya ay naging matagumpay ay hindi nya papayagan na pumasok sa buhay negosyante nya ang Mercury Drvg Store.
Mula noon ay pa unti unti syang umangat sa buhay.
Una nyang naipatayo ang SM Mall Quiapo noong November, 1972. At ngayon, hindi nya pinayagan na makapasok ang Mercury Drvg Store sa mga SM Mall, bagkus Watsons ang kanyang inihalili para dito.
Isa lamang itong patunay na hindi porket ikaw ay mahirap ay lagi kang nasa ibaba, ang gulong ng buhay ay minsan nasa baba at nasa taas.
COMMENTS