Bagong Online Scam, Target Ang Mga Babaeng OFW At Matatanda

Ayon sa isang Facebook community page na OFW Kalingawan, ang mga ito ay nangunguha ng pera at ipinapadala sa iba ibang tao sa Malaysia.


Sa panahon ngayon napakahirap mamuhay ng magisa at walang katuwang sa buhay. Kaya naman ang magkaroon ng kapareha ay talagang napakalaking tulong sa iyong buhay at biyayang maituturing kung saan meron kang mapaghihingian ng tulong, mapaglalabasan ng iyong nararamdaman,higit sa lahat ay susuporta sa iyo at magmamahal.

Ngunit hindi biro ang makahanap nito dahil ito ay dumarating sa tamang panahon.

Kaya naman sa mga kababaihan na naghahanap ng kapareha online, isa pong paalala at baka mabiktima kayo ng bagong modus operandi ngayon kung sa social media.


May mga masasamang tao ngayon na nabibiktima ng mga Overseas Filipino Workers kung saan nag gagawa ng mga pekeng account na madalas na may pangalang Albert Benton, Thomson Oliver at Gunuru Bennard na may hanggad na kuhanan ng pera ang mga biktima.

Ayon sa isang Facebook community page na OFW Kalingawan, ang mga ito ay  nangunguha ng pera at ipinapadala sa iba ibang tao  sa Malaysia.

Ang paraan ng modus operandi na ito ay kukuhanin ang tiwala ng kanilang biktima na may edad na at dahan dahan na hihingian ng pera,tapos ipakita nito na may inaasahan din itong pera at kanya din ibabalik.

Dagdag pa ng OFW Kalingawan, ang ganitong estilo ay paulit-ulit ng nangbibiktima.

““Paulit ulit itong mangangako at paulit ulit din itong hihingi ng pera. Ang perang kanyang hinihingi ay kadalasang pinapadala sa mga ibat ibang pangalan papuntang Malaysia. Never syang humingi na pinadala sa pangalan nyang Albert Benton,”


Narito ang buong teksto na ibinahagi ng nasabing Facebook Page.

-BABALA LALONG LALO NA SA ATING MGA KABABAIHANG OFW NA MAHILIG MAKIPAGCHAT BAKA MABIKTIMA KAYO NG MGA TAONG GUMAGAMIT NG LARAWANG ITO!!!
PAKIKALAT!!!!

WARNING TO ALL:

LADIES, This person is using an account under the name of Albert Benton, according to him, He came from LONDON UNITED KINGDOM. Makikipagkilala sya sa Facebook at makikipag Kaibigan.


Pagkatapos ay liligawan nya ang magkakaroon ng interest sa kanya. Kadalasan ay mga babaeng may mga edad na ang kanyang binibiktima. Magpapakita sya ng Trust Fund Certificate at mga checke na nagpapatunay ng kanyang inheritance galing sa kanyang namatay na Ama.

Pag napaniwala na nya ang kanyang biktima, gagawa na sya ng paraan para makakuha ng pera sa mga ito. Gaya ng kailangan nya ng pundo para sa pag processo ng kanyang nakuhang mana. Kapalit nito ang pangako na pag nakuha na nya ang kanyang namana ay magpapadala sya ng pera sa kanyang nabiktima.


Ipapangako din nya ang pagpunta dito sa Pilipinas upang pakasalan ang kanyang nabiktima. Paulit ulit itong mangangako at paulit ulit din itong hihingi ng pera. Ang perang kanyang hinihingi ay kadalasang pinapadala sa mga ibat ibang pangalan papuntang Malaysia.

Never syang humingi na pinadala sa pangalan nyang Albert Benton. Kawawa po ang kanyang mga nabiktima na mga Pilipina, may mga widow at matatandang dalaga na po syang nabiktima sa dito sa Pilipinas na humingi po ng tulong sa Ahensya ng Kapulisan. Dahil po di naman totoong pangalan at account ng isang individual ang kanyang Facebook di po sya mahuli huli. Ngunit nabigyan na po ito ng attensyon at pinaiimbestigahan na po.

Ayun po sa mga nagrereklamo parang ito ay isang modos operandi ng mga kawatan. Kaya maaring ikalat po natin ito at ng mabigyan natin ng babala ang mga iba pang mabibiktima ng mga taong nasa likod ng panlolokong ito. Ang isa po sa mga nagreklamo at nakuhanan na ng halos 1M pesos. Di po nya ito hinihingi ng biglaan kundi paunti unti. Maaring suriin po muna natin ang mga taong pinapadalhan natin ng pera bago po tayo bigay ng bigay kung di naman po natin sila kilala ng personal.

Pag may mga bagay po na hinihiling sa inyo lalo na pera eh wag po tayo papaloko. Baka magaya po kayo sa isang nag reklamo na nabenta na nya lahat ng lupain nya na sinasaka para lang ipadala sa taong ito. Pagsabihan po natin ang mga kakilala po nating mga kapamilya at kaibigan na mahilig maghanap ng makakachat sa Facebook.

Kaya lagi po tayo magingat sa ganitong estilo ng mga manloloko upang hindi mabiktima. Lagi din natin tatandaan na walang  maloloko kung walang magpapaloko.

Maaari niyo pong ibahagi ito sa inyong kilala upang maging aware sila at maiwasan. Kung kaya po ay may alam na bagong modus maaari niyo rin pong  ibahagi sa amin."

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Bagong Online Scam, Target Ang Mga Babaeng OFW At Matatanda
Bagong Online Scam, Target Ang Mga Babaeng OFW At Matatanda
Ayon sa isang Facebook community page na OFW Kalingawan, ang mga ito ay nangunguha ng pera at ipinapadala sa iba ibang tao sa Malaysia.
https://1.bp.blogspot.com/-aEHqdu5bfKw/XZ4dH36JTtI/AAAAAAABwb4/cJRIi9HRVbYeyVsjm8XhCPKizWZ8oax6QCLcBGAsYHQ/s640/Oliver%2BOFW%2Bonline.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-aEHqdu5bfKw/XZ4dH36JTtI/AAAAAAABwb4/cJRIi9HRVbYeyVsjm8XhCPKizWZ8oax6QCLcBGAsYHQ/s72-c/Oliver%2BOFW%2Bonline.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/bagong-online-scam-target-ang-mga.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/bagong-online-scam-target-ang-mga.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy