Sabi ng mga eksperto, madaming masamang epekto ang paggamit ng aluminum foil sa ating mga nilulutong mga pagkain.
Paborito mo ba ang mga inihaw na pagkain na nakabalot sa aluminum foil tulad ng inihaw na isda, karne at iba pa? Kung paborito mo ang mga yan, basahin mo ito.
Sabi ng mga eksperto, madaming masamang epekto ang paggamit ng aluminum foil sa ating mga nilulutong mga pagkain.
Ang Aluminum Foil ay sinasabing isang “neur0t0xic heavy metal”, na kung saan ay pwede itong makaapekto sa ating utak na pwedeng magdulot ng Alzheimer’s at ang iba pang pwedeng maging epekto nito ay ang mga sumusunod.
1. Ang sobrang exposure sa nasabing “heavy metal” ay pwedeng maging dulot ng pagkawala ng balance at koordinasyon ng ating katawan.
2. Ang pagluluto gamit ang aluminum foil ay napatunayan na maaari ding maging sanhi ng sakit sa ating baga. Ito ay dahil sa paglanghap natin ng aluminum lalo na sa mga inihaw na pagkain.
3. Ang paggamit ng aluminum foil ay maaari ding makaapekto sa ating mga buto. Imbis na calcium ang naisusuplay sa atin ay pinipigilan ito ng aluminum na makapasok sa ating mga buto.
Kapag naabsorb o nadikit ang aluminum sa ating mga kinakain ay mas malaki ang tyansa na maaari nating maranasan ang mga nasabing masasamang dulot nito sa ating katawan.
Kinumpirma din ni Dr. Essam Zubaidy ng American University of Sharjah ang mga naturang epekto ng aluminum foil. Dagdag pa nya na sa bawat pagkain na may aluminum ay pwedeng makapasok ang 400mg na kemikal na aluminum sa ating katawan.
Dagdag din ng WHO o World Health Organization, ang maaari lang na pumasok sating katawan na aluminum ay 60mg kada araw lamang. Kung sumobra ito ay pwede nga talaga tayong magkasakit.
Kung tutuusin ay mas kailangan ng ating katawan ang mga kemikal na tulad ng iron at minerals. Kaya marapat lang na bawasan ang paggamit ng aluminum foil upang di maapektuhan an gating mga buto, kidney, utak, baga, atay at lalamunan.
Ang mga payo na ito ay napakaimportante lalo na para sa ating kalusugan. Maaari din tayong kumain ng onions blue green algae, bawang, cilantro, burdock, bentonite, carrot juice at tsaa upang mailabas ang mga naintake na aluminum ng ating katawan.
COMMENTS