Lady pilot save lives
Isa sa mga nakakatakot na ating maaaring maranasan kapag tayo ay sasakay sa eroplano ay ang lakas ng hangin kasabay pa ang lakas ng ulan.
Ngunit, sa kabila ng takot na ating nararamdamn, marami pa ding mga piloto sa eroplano na nagpapagaan sa ating loob at si God na gagabayan tayo upang maiwasan natin ang maaaring masasamang mangyari.
Katulad na lamang ng post ni Kemberly Pasinag Victorioso na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account kamakailan lamang. Pahayag ni Victorioso, sila ay nakasakay sa Cebu Pacific Airline at pauwi na mula sa Iloilo hanggang Davao.
Sa kanilang flight, sila ay nakaranas ng nakakatakot na flight dahil nararamdaman nila kung gaano kalakas ang hangin pati na rin ang ulan na kanilang kailangan pagdaanan. Iniisip na din nila nang mga panahon na iyon na iyon na ang maaaring katapusan ng kanilang buhay at kung mangyayari man iyon ang kanilang school, NDTC, ay magsasarado din dahil kasama nila ang mga guro mula elementary hanggang kolehiyo at ibang mga non-academic personnel.
Ngunit, lahat ng iniisip nila na maaaring mangyari ay hindi nangyari dahil na rin sa tulong at gabay ng isang babaeng piloto ng eroplano na kanilang nasakyan na si Jacqueline Chua.
Sa dulo ng kaniyang post, siya ay nagpapasalamat ng marami kay Chua ng flight 5J 721 dahil sa pagligtas nito sa kanilang buhay.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa post. Sa kasalukuyan, ito ay mayroon ng mahigit sa 25,000 reactions, 317 comments, at 8,000 shares.
Narito ang buong post ni Victorioso:
COMMENTS