May isang hindi nakilalang pasehero ng eroplano na binuksan ang emergency hatch.
Isang eroplano na patungo sa lungsod ng Lanzhou na kabisera ng hilagang-kanluran ng lalawigan ng Gansu ang hindi agad nakaalis ng paliparan. Matapos mabuksan ang emergency door nito ng isang pasahero habang umaandar ang eroplano bago ito lumipad.
Ayon sa cabin crew ng Xiamen Airlines Flight 8215 na mula sa Wuhan Tianhe International Airport na kabisera ng Hubei ng Central China, may isang hindi nakilalang pasehero ng eroplano kung saan binalaan ito na wag hawakan at wag subukan buksan ang emergency exit door ng eroplano. Ngunit sa kabila ng pagbabawal at pagsaway dito ay nabuksan pa din ito.
Ang dahilan daw ng pasahero kung bakit ito binuksan ay upang makakuha ng sariwang hangin. Ang ginawa ng babaeng pasahero ay lubhang delikado lalo na kung ito ay nasa himpapawid na lumilipad.
Maaari itong magresulta sa paghigop papalabas ng iba pang mga pasahero ng eroplano. Kaya naman sa ginawa ng pasaherong babae ay agad itinigil ang paglipad ng eroplano.
Ang babae ay nahaharap sa pagmumulta at maaari din itong makulong dahil sa hindi magandang aksyon na kanyang ginawa na maaaring magdulot ng hindi maganda para sa eroplano at mga pasahero nito.
Inabot ng isang oras ang pagkaantala ng biyahe ng eroplano dahil sa paghintay at paghuli ng mga awtoridad sa nasabing babae. Hindi pinangalanan ang babae at hindi din naglabas ng ilang impormasyon patungkol dito, kagaya ng edad.
Kaya isang paalala sa mga hindi marunong makinig at hindi marunong sumunod sa pagbabawal nawa’y maging aral din ito sa inyo. Dahil baka ang pinapangarap niyong pagtravel sa ibang lugar ay magresulta ng pagmumulta at pagkabilanggo kapag kayo ay tumulad sa babaeng nabanggit sa insidente.
COMMENTS