Alexa Ilacad, Pinagtutulungan Diumano Ng Mga Tinuturing Na Kaibigan Mula Going Bulilit

Kasabay nito ay ang pag-amin ni Nash Aguas na kaya umano nasira ang kanilang relasyon noon ay dahil sa nanlalaki ito.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang actress na si Alexa Ilacad matapos magbigay nito ng kaniyang pahayag tungkol sa dati niyang karelasyon na si Nash Aguas at ang karelasyon nito ngayon na si Mika dela Cruz. Ngunit, matapos magbigay ng kaniyang pahayag, marami naman sa ating mga netizens ang bumatikos sa kaniya at ipinagtatanggol si Nash.

Kasabay nito ay ang pag-amin ni Nash Aguas na kaya umano nasira ang kanilang relasyon noon ay dahil sa nanlalaki ito.

Nang tanungin naman ang actress kung handa na ba siyang makita si Nash kung sakali mang pagharapin at ipatawag sila ng Star Magic, kung saan sumagot si Alexa na wala umano siyang rason para matakot na muling makita o maharap kay Nash sa Star Magic, aniya,

“Okay lang, wala naman akong kasalanan, e, so bakit naman ako matatakot?”

Nilinaw din ni Alexa na hangga't maaari sana ay walang gulo o away na mangyari dahil nakakabigat ito sa kaniyang damdamin.


“Ito ang nag-iisang tinik sa lalamunan ko, kasi ayoko po ng may conflict. Of course, I wish na peace na lang for everyone. So, ako, okay lang po. Ayoko lang na lumaki yung away namin kasi wala naman ‘to, hindi naman siya big deal.”

Nakapanayam ng iba pang reporters si Alexa habang ginaganap ang mediacon ng pelikula nito na pinamagatang 'Santigwar' noong October 24, Huwebes, na ginanap sa Max's Restaurant, Quezon City.

Naging magka-love team naman sina Alex at Nash bilang NLex na tumagal din ng ilang taon. Sinabi ng actress na silang dalawa ay mayroon lamang mutual understanding, ngunit, hindi sila naging opisyal na magkarelasyon.

Binahagi naman ni Alexa na nasaktan siya nang kaniyang madiskubr na si Nash pa mismo ang nagkakalat ng maling balita tungkol sa kaniya na sinasabi na niloko niya ito at mayroon siyang ibang lalaki nang sila ay magka-love team pa.

Ayon kay Alexa,

"Kaya ako nasaktan kasi hindi lang niya sinabi sa akin, pinagkalat niya. Yung make-up artist na ka-close namin, nagulat na lang ako nang sabihin niya na, ‘Totoo ba, bhe, yung sinabi niya na nanlalaki ka raw?"


“Nalaman ko rin sa assistant director namin. Doon ako pinaka-na-hurt. Okay, talagang pinagkalat niya,” dagdag ng dalaga.

Iyon ba ang dahilan ng falling out o pagkasira ng samahan nila?

“It’s his reason, his assumption,” pakli ni Alexa. “The reason I don’t want anymore is may lalaki ako. Yun ang pinilit niyang paniwalaan. And it’s so hard to tell someone the truth when he already had something stuck in his head, and sure na sure na siya na yun yun.”

Pinaniwala din daw ni Nash na nanlalaki siya sa buong pamilya nito.

“Just because I’m making new friends, nagkakatuwaan kami. Inaaway niya lang naman sa akin, nakikita niya kaming nagko-comment sa isa’t isa sa Facebook. And I never tagged the guy, just him, it’s always the whole barkada.”


Sinabi din ni Alexa na ang lalaking sinasabi diumano ni Nash ay ang miyembro ng isang banda at ang kaniyang matalik na kaibigan.

Ngunit, hindi naman ibinigay ng actress ang pangalan ng lalaki dahil sabi niya ay baka ito ay madamay pa sa isyung kanilang kinakasangkot ngayon.

“I don’t wanna name him. Ayoko sanang i-drag sila rito, that’s why I never spoke about it dahil hiyang-hiya ako na madamay sila.”

Dagdag pa ni Alexa na nagkausap na sila ni Nash tungkol sa isyung ito dati pa.

“Naalala ko, MYX Music Awards, noong manalo siya because of my song, nag-text pa siya sa akin noon. Parang it was a year after we went our separate ways, nag-text pa siya sa akin. Nagte-thank you pa siya and all the stuff, pati ako. We said our well wishes to each other.”

Ang MYX Music Awards na nakuha ni Nash noong 2017 ang siyang tinutukoy dito ni Alexa na siya ay naging parte ng music video ng 'Pakipot Suplado' na kung saan ito ay nakatanggap ng Favorite Guest Appearance In A Music Video award.


Inamin din ng young actress na pinagtutulungan din siya diumano ni Sharlene San Pedro at iba pang co-stars nila ni Nash sa teen-comedy series na LUV U at sa dating kiddie gag show na Goin' Bulilit, sa pagpapatuloy ng mga press sa pagkuha ng pahayag ni Alexa.

"Pati yung tweet sa kanila nila Sharlene before... I was so surprised na I woke up one day using my Twitter, and I saw that they were teaming up against me. Actually, yung iba naman talaga dun, Goin’ Bulilit pa lang, binu-bully na ako."

Ani niya, "Pero, I was really pinaka-hurt kay Sharlene because I thought we were friends. Nagulat ako one day na, ano ‘to, inaaway nila kami ni Jairus [Aquino], pinagtutulungan nila kami. So, sabi ko, ‘Saan ito nagsimula?’ And then, I found out sa anak ni Direk Bobot [Mortiz] na inutusan daw ni Nash si Sharlene."


Sinabi naman ni Alexa na siya ay handa naman sa kung ano ang magiging reaksyon ni Nash sa kaniyang naging pahayag sa mediacon ng Santigwar. Aniya,

“Nag-react nga si Mika sa past interview ko, e!”

Ang mga rebelasyon na ibinahagi ni Alexa ay maaari ding makasira sa career ni Nash, partikular na dahil hindi naman ito ganoong sikat at hindi naman siya masyadong kilala ng kaniyang mga tagahanga.

Sinabi din ni Alexa na siya ay handa na sa mga magiging sagot na maaaring ibigay ni Nash sa kaniyang mga pahayag.


Pagpapatuloy ng young actress,

“Nanlalaki ako? Hanggang ngayon wala akong dyowa, what’s your proof? You keep on trying to pull me down pero, really, hanggang salita lang, e. So unless you show me something, which is none.”

Nang siya ay tanungin ng mga press kung ano ang kaniyang magiging reaksyon kung itatanggi ni Nash na siya ang nagkakalat ng mga paninirang salita tungkol sa kaniya, sagot ni Alexa,

“That’s so coincidence naman na kung ano ang pinag-awayan namin, yun ang alam ng fans! It’s only him and his family. Hindi ko naman ‘to nilabas sa iba, nakakahiya.”

Sinabi din ni Alexa na siya ay pagod na sa mga isyung kaniyang naririnig at paninira tungkol sa kaniya kaya siya nagsasalita ngayon,


Ang peliklang Santigwar na idinerek ni Joven Tan ay ang kauna-unahang pagkakataon ni Alexa upang gumanap bilang lead role sa isang pelikula. Ang Santigwar ay ipapalabas sa November 30.

Tumugon naman si Alexa sa tanong sa kaniya na ang pagsasalita niya ngayon at pagbibigay ng kaniyang pahayag ay isa lamang sa kaniyang paraan upang maging maingay at para na rin sa promotion ng kaniyang pelikula.


Nang siya ulit ay tanungin kung sabihan siya nila Nash o ng mga netizens na siya ay bitter pa din at hindi matanggap ang nangyari, tugon ng dalaga,

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Alexa Ilacad, Pinagtutulungan Diumano Ng Mga Tinuturing Na Kaibigan Mula Going Bulilit
Alexa Ilacad, Pinagtutulungan Diumano Ng Mga Tinuturing Na Kaibigan Mula Going Bulilit
Kasabay nito ay ang pag-amin ni Nash Aguas na kaya umano nasira ang kanilang relasyon noon ay dahil sa nanlalaki ito.
https://1.bp.blogspot.com/-fnMZ0RufneY/Xbr2IXzsJII/AAAAAAABzsM/F5fzSr-fwxgRSaiTKM0uPzBZHJll4VLvACLcBGAsYHQ/s640/nash%2Band%2Baleza%2Bteam.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-fnMZ0RufneY/Xbr2IXzsJII/AAAAAAABzsM/F5fzSr-fwxgRSaiTKM0uPzBZHJll4VLvACLcBGAsYHQ/s72-c/nash%2Band%2Baleza%2Bteam.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/alexa-ilacad-pinagtutulungan-diumano-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/alexa-ilacad-pinagtutulungan-diumano-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy