Online Scam
Hindi naman na bago sa atin ang mga taong patuloy na naloloko ng mga online scammers. Ang mga online scammers din ay patuloy na dumadami ngayon kung kaya't padami na din ng padami ang mga taong nabibiktima ng mga ito.
Sa katunayan nga, ang mga ito ay walang pinipili kahit nga mga artista o anak man nila ay naloloko nila dahil sa kanilang mga sinasabi o sinisiguro sa mga ito.
Katulad na lamang ng nangyari sa dalawang anak ni Ai Ai delas Alas na sina Sancho at Sophia na kamakailan lamang ay napabalitang nabikta ng mga online scammers.
Si Sancho delas Alas ay nabiktima ng isang online scammer na kaniyang pinagbentahan ng relo na may user name na Stian Young habang si Sophia delas Alas naman ay nabiktima ng may user name na Mateo Paul (terous209) sa pamamagitan ng pagbili dito ng ticket ng isang sikat na Korean celebrity.
Sa isang Instagram post ng Comedy Queen ay inalabas ang kaniyang saloobin at ilang litrato ng mga screenshots ng mga online scammers pati na din ang ilang litrato ng lalaki na nag-deliver ng isang bag na walang nakalagay na pera at ito ay puno lamang ng papel.
Nilagyan din ni Ai Ai ang kaniyang IG post ng isang caption kung saan sinabi nito na ang kaniyang anak ay nabiktima ng isang ticket selling para sa concert ng sikat na Korean artist na si Cha Eun Ho habang si Sancho naman ay binenta pa ang ilan sa kaniyang mga relo na hindi naman nagagamit.
Narito ang Instagram post ng Comedy Queen na kung saan siya din ay nagbigay ng babala sa mga netizens:
“MAG-INGAT SA MGA ONLINE SCAMMER — kagabi sabay pang na-scam ang mga anak ko… Si Sancho kasi madaming relos and binebenta na nya na yung iba tutal di naman na nya ginagamit. At si Sophia naman sa ticket para sa oppa Cha Eun Woo…
“Hay naku kung sino man kayong mga demonyo kayo ‘di man kayo mahuli pero naniniwala ako sa karma… makuha nyo man ‘yan ‘di nyo din yan mapapakinabangan kasi walang masamang gawain ang nagwawagi…
“At sinabihan ko din mga anak ko wag masyadong magtiwala sa mga tao ngayun kasi madaming masamang tao na mga pinsan o kapatid ng KALABAN ni Lord…
“Maging aral na lang ito sa kanila at sa atin na mag-ingat sa mga online sellers and buyers .. magandang umaga.”
COMMENTS