Ayon sa ulat mula sa "Tonight with Boy Abunda" na naere nitong Lunes, binanggait ito ng management ng singer at sinabi na ang mga bulaklak ay maaaring “response to her revelation about the shopping incident.”
Kamakailan lamang, ang French fashion store na Louis Vuitton ay nag-abot ng kanilang paumanhin sa Asia's Songbird na si Regine Velasquez matapos ibahagi ni Regine sa kaniyang vlog nitong October 1 kung gaano siya kadismaya sa nangyari nang siya ay bumisita sa store ng nasabing brand sa New York.
Ang luxury store ay nagpadala ng mga bulaklak kay Velasquez.
Ayon sa ulat mula sa "Tonight with Boy Abunda" na naere nitong Lunes, binanggait ito ng management ng singer at sinabi na ang mga bulaklak ay maaaring “response to her revelation about the shopping incident.”
Ngunit hindi na binanggit ng programa kung ang regalo na mula sa Louis Vuitton ay mayroong kasamang mensahe ng paumanhin sa Asia's Songbird.
Si Regine kasama na ang kapwa OPM icon na si Sharon Cuneta ay nag-guest sa "Tonight with Boy Abunda" nitong October 14, nauna sa naging concert ng dalawa na tinaguriang "Iconic."
Ang kilos mula sa Louis Vuitton ay binanggit nang maalala ni Velasquez kung gaano siya nakaramdam ng diskriminasyon sa pag-uugali ng mga empleyado ng luxury store laban sa kaniya.
Saad ng Asia's Songbird,
“Pintuan pa lang, hindi na ako pinapasok. Sabi niya, ‘No, I don’t think we have your size. Atsaka nakaharang talaga siya doon.”
Dagdag niya,
“Sa akin, okay, if you don’t want to entertain me, I’ll find somebody else [to accommodate me], at papakita ko talaga sa kaniya, bibilhan ko ‘yung tao na ‘yon. Iyon na lang ang comeback ko!”
Si Sharon naman na nakaupo katabi ni Regine sa naganap na interview ay nagbahagi din ng kaniyang karanasan nang siya din ay nakaramadam ng diskriminasyon nang siya ay pumasok sa isang Hong Kong boutique ng Cartier.
Aniya,
“[My outfit] was very simple, shirt lang and jeans. I said, ‘Excuse me.’ ‘I’m not finished yet!’ I was so angry, there was another sales rep who was very nice, and I ended up buying things I didn’t really need because I was so angry.”
Sumang-ayon naman si Velasquez nang sabihin ni Abunda na ang ginawa sa kaniya ay hindi makatao kapag ang ilang nasyonalidad ay mas pinipili o hindi inuuna. Aniya,
“Atsaka kung ano man ang hitsura, hindi dapat nagdi-discrimin4te!”
COMMENTS