12 Taong Gulang Bata, Sinasama Ang Inang May Kapansanan Sa Paaralan Dahil Wala Nang Mag-aalaga Dito

12 year old boy and his mom


Isang 12 na taong gulang na batang lalaki ang hinangaan dahil sa pagpapamalas ng pagmamahal sakanyang magulang, kung saan siya ang nag-aalaga rito sakabila na siya ay nagaaral pa lamang. Tunay na kahanga-hanga ang istorya ng batang ito na tubong Caloocan.

Ang pangalan niya ay John Mark Nasih, dahil sa kadahilanan na may karamdaman ang kanyang ina na “cerebral palsy” at yumao na ang kanyang ama, siya na mismo ang tumayo at humarap sa mga responsibilidad upang alagaan ito.


Ayon sakanyang ina, siya  nagkaroon ng sakit noon siya 17 na taong gulang pa lamang.

“Nagising na po ako at hindi na po ako makalakad. Siyempre nakikisama na po ako sa mga kamag-anak ko, siyempre po wala na pong nag-aalaga sa akin.” – Alma

Simula noon ay ang kanyang anak na ang walang sawang nag alaga sakanya.


Si John Mark ang tumanggap ng napakabigat na resposibilidad.  Bagama’t nag aaral pa lamang siya, araw-araw ay kanyang tinutulak sa wheel chair ang kanyang ina upang makarating sa kanyang paaralan.

Inaabot ito ng 30 minutos bago makarating sa paaralan. Matapos ang mahabang pagtutulak sa kanyang ina ay ito naman ay kanyang iniiwanan sa labas ng kanilang school canteen. Kung saan ang kanyang ina na si Alma ay matyagang naghihintay na matapos ang klase ng anak, na inaabot ng anim na oras.


Sa paglipas ng mga araw, si Alma ay nagkaroon din ng kaybigan sa paaralan at isa na dito si Teacher Felissa Bragado, kung saan ito ay nagbibigay ng pagkain kay Alma.

Ayon kay Teacher Felissa Bragado, “Binibigyan ko na ng pagkain si Alma. Best friends na nga kami niyan”.

Sa kabila ng mahirap na katayuan at kondisyon ng mag-ina, hindi nagsasawang magpaalala at mangarap si Alma sa kanyang anak.


“Ang gusto ko lang ay makapasok sa eskuwela ang anak ko at makatapos lang siya sa kolehiyo para hindi na siya mahihirapan paglaki niya. 'Yun lang din po ang pangarap ko sa kanya. Hindi habambuhay na nandito ako."

Dagdag pa niya, “Lagi ko siyang sinasabihan, ‘Mag-aral ka lang mabuti, anak, kahit papano. Kahit high school ka lang kung hanggang kaya ko. Kung hanggang kaya kong paaralin ka, lalapit ako sa mga gobyerno”.

Si John Mark ay ay nangangarap na maging Doctor balang araw upang magamot ang kanyang ina,

Narito ang video na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho).


Tunay nga naman na napakaswerte ng ina ni John Mark sakanya dahil walang sawa itong pinaparamdam ang kanyang pagmamahal sa kanyang pagaalaga rito.

Nawa’y marami pang katulad mo na kabataan John Mark, ikaw ay tunay na inspirasyon sa maraming kabataan sa panahon ngayon.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 12 Taong Gulang Bata, Sinasama Ang Inang May Kapansanan Sa Paaralan Dahil Wala Nang Mag-aalaga Dito
12 Taong Gulang Bata, Sinasama Ang Inang May Kapansanan Sa Paaralan Dahil Wala Nang Mag-aalaga Dito
12 year old boy and his mom
https://1.bp.blogspot.com/-4Tke6LPousk/XZgR9kc4ulI/AAAAAAABv10/AvkBwjyrGuMiuoh3qUoS2cx9MESYH7EbwCLcBGAsYHQ/s640/mother%2BAnd%2Bson.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-4Tke6LPousk/XZgR9kc4ulI/AAAAAAABv10/AvkBwjyrGuMiuoh3qUoS2cx9MESYH7EbwCLcBGAsYHQ/s72-c/mother%2BAnd%2Bson.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/10/12-taong-gulang-bata-sinasama-ang-inang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/10/12-taong-gulang-bata-sinasama-ang-inang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy