Tignan: Buhay Ni John Wayne Sace Ngayon, Ikinagulat Ng Lahat

John wayne sace


Naaala niyo ba ang isa sa mga miyembro ng isang boy dance group sa ASAP na ngayon ay sira na kasama si Oliver Aquino at Rayver Cruz. Siya si John Wayne Sace.

Ano man ang nangyari sa kaniyang buhay na ang resulta ay ang pagkawala niya sa showbiz industry at ang pagiging sikat at sa huli ay tinulungan niya ang kaniyang sarili na muling bumangon at magsimula ng panibagong buhay. Siguro ito ay makakapagbigay ng inspirasyon para sa marami sa atin o di naman kaya ay makakapanghusga tayo ng mabilisan, ngunit dapat nating marinig muna ang kaniyang kwento.

Sa isang interview ng isang show sa ABS-CBN na Rated K, inamin ni John Wayne Sace na nasubukan na niyang gumamit ng Marijuana, Shabu (meth) at halos lahat ng uri ng mga ilegal na dr*ga habang paganda ang kaniyang karera sa showbiz.

Inamin din niya na siya ay naging parte ng Philippine National Police (PNP)'s "Oplan Tokhang" na isinagawa ni President Rodrigo Duterte para malabanan ang patuloy na pagdami ng dr*ga dito sa bansa.


Ang kaniyang kasikatan noong siya ay bata pa, na may hitsura at pera, ano nga ba ang tunay na nangyari kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon?

Si John Wayne ay ipinanganak noong May 9, 1989. Pinalaki siya ng kaniyang lolo at lola habang ag kaniyang pamilya ay naninirahan sa United States. Kilala siya bilang isang miyembro ng Star Magic. Ngunit, nahinto ang kaniyang karera dahil sa ilang mga personal na problema.

Si John Wayne ay isang mabait at mapagmahal na apo sa kaniyang lola na itinuturing niya din bilang isang tunay na ina. Noong magsisimula na siya sa kaniyang showbiz career, binabayaran niya ang lahat ng medical expenses, dialysis, at iba pang bagay na kinakailangan ng kaniyang Lola. Ngunit, nam*tay ang kaniyang Lola kung saan dito na nagsimula ang kaniyang personal na problema.

Si Oliver Aquino ang kaniyang co-star at matalik na kaibigan ay sinabi na ang paghihiwalay ni John Wayne at ng kasintahan nito ay nakadagdag pa sa kaniyang personal na problema.


Sa edad na 28, nagkaroon ng tatlong anak si John Wayne. Malayo sa showbiz industry, nagsimula siyang subukan ang iba't ibang trabaho para maibigay ang nararapat na buhay para sa kaniyang pamilya: siya ay naging cake delivery boy, computer/internet café attendant at iba pa.

Noong nakaraang taon, siya at ang kaibigan na si Erik Sabino ay nakapagtamo ng mga pinsala matapos silang paputukan ng mga motorcycle-riding men sa isang insidente na nangyari sa Pasig City. Ang insidente ay isa sa naging dahilan kung bakit gusto na niyang baguhin ang kaniyang buhay habang iyon na ang katapusan ng kaniyang kaibigan na si Erik na namatay dahil sa mga pinsalang natamo nito.

Ang mga police officials ng Pasig City ay kinumpirma na siya at si Erik ay nasa watch list ng droga.

Matapos noon, ang kaniyang mga anak ay pinilit siyang magbago kung saan ito ang tumatak sa kaniyang na naging sanhi ng kaniyang pagpapasya na magbakasyon sa kaniyang probinsya.

Sinubukan niya ang "self-rehab" at naging maayos naman ito. Ang mga taong nagmamahal sa kaniyang ay opisyal na dinal siya sa rehab-institution ngunit ang rehab center ang nagsabi na ang kaniyang kaso ay hindi pa naman gaano kalala at "‘the man is just going through hardships’".


Nang tinanong siya ni Korina Sanchez kung siya ay malinis sinagot niya na palagi siyang handa para sa test (droga).

Ngayon, inaayos na niya ang kaniyang relasyon sa kaniyan ina at sinasabi na namimiss na niya ang kaniyang mga kapatid sa U.S.

At kung mabibigyan siya ng pagkakataon, siya ay handa na bumalik sa showbusiness.

Ang mga taong kagaya niya ay hindi kailangan ng awa kundi pagiintindi, hindi  poot kundi pagmamahal, hindi saradong pinto kundi pagkakataon. Habang nakumpirma na nasira niya ang kaniyang buhay, masasabi na handa na siyang magbagay sa lahat nang makita niya na namatay ang kaniyang kaibigan, nawala ang mga bagay na mayroon siya dati, at nakaraos na nairehabilita na niya ang kaniyang sarili.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Tignan: Buhay Ni John Wayne Sace Ngayon, Ikinagulat Ng Lahat
Tignan: Buhay Ni John Wayne Sace Ngayon, Ikinagulat Ng Lahat
John wayne sace
https://1.bp.blogspot.com/-4uVhVBgx79E/XX4Ymxr-fTI/AAAAAAABspM/ymbQlAZ0cDsUawNFFpRBKapNgFOOJG0UACLcBGAsYHQ/s640/jihn%2Bwayne.png
https://1.bp.blogspot.com/-4uVhVBgx79E/XX4Ymxr-fTI/AAAAAAABspM/ymbQlAZ0cDsUawNFFpRBKapNgFOOJG0UACLcBGAsYHQ/s72-c/jihn%2Bwayne.png
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/tignan-buhay-ni-john-wayne-sace-ngayon.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/tignan-buhay-ni-john-wayne-sace-ngayon.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy