Young Millionaire
Lahat naman sa atin ay mayroong mga pangarap na gustong makamit, ngunit, halos lahat sa atin ay gustong matupad ang buhay na kanilang pinapangarap at maging milyonaryo.
Gayunpaman, ang pagiging milyonaryo sa edad na 25-year-old ay talagang imposible lalo na kung sa wala ikaw nagsimula. Hindi na bago sa atin na ang mga mayayaman ngayon sa kanilang murang edad ay may gabay, payo, at tulong na nakukuha sa kanilang mayayaman na magulang pero ang mga mahihirap na bata katulad na lamang ni Jhay-R Reyes ay hindi ganoong kaswerte.
Si Jhay-R ay nagsimula din sa wala at kinakailangan na magtrabaho at magsumikap sa buhay upang maiahon ang buhay na kanilang nararanasan, katulad ng marami sa atin.
Kamakailan lamang, naging viral si Jhay-R sa iba't ibang social media platforms matapos niyang ibahagi kung paano niya natupad ang kaniyang pangarap na maging milyonaryo sa edad na 25-year-old.
Base sa Facebook post ni Jhay-R na naging viral, hindi naging madali para sa kaniya na makamit ang kaniyang pangarap dahil madami siyang hirap at pagsubok na pinagdaanan. Siya ay kumuha at naging iskolar sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) dahil na rin nga sa kanilang mahirap na buhay.
Base sa viral post ni Jhay-R, pinangarap niyang maging isang milyonaryo pagdating ng panahon na ang kaniyang edad ay 25 na, noong siya ay nalalapit nang magtapos ng kolehiyo.
Salaysay pa niya, marami silang pinagdaanan na hirap at pagsubok bago niya makamit lahat ng ito, at isa na nga sa pagsubok na ito ay nang magkasakit ang kaniyang tatay ng dalawang taon kasabay ng pagkakaroon ng problema sa kalusugan niya dahil na rin sa stress at pagod sa kaniyang pag-aaral.
Ang binata ay nagsimula ng pumasok sa stocks exchange kahit siya ay estudyante pa lang, bilang Iskolar ng bayan. Siya ay nagsimula na mayroong kapital na 9,100.00 pesos. Sa pagdaan ng ilang taon, nagkaroon siya ng mahigit sa isang libong pagbenta at pagbili ng stocks sa kaniyang ginagawang pamilihan.
At ngayon, siya ay 26 anyos na at natupad ang pangarap na maging isang milyonaryo. Para sa kaniya, isang mahalang bagay na na matupad ang kaniyang pangarap kahit humigit man sa isang taon ang edad na kaniyang ninanais.
Base kay Jhay-R,
“Bawat sentimo, piso na meron ako ngayon ay nanggaling sa ipinuhunan ko sa stocks. Ang bahay na ito ay bunga ng stocks at pati na rin ang aking sasakyan. Narating koi to ng wala akong naging utang at wala akong niloko na tao.”
Siya ngayon ay mayroong sasakyan na SUV at dalawang palapag na bahay sa Crown Asia sa Antipolo.
COMMENTS