fathers make gowns
Ang ating mga magulang ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para lamang mabigyan tayo ng magandang buhay, lalo na ang ating ama na hindi tumitigil magtrabaho o gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para mabigyan tayo ng isang magandang buhay.
Kamakailan lamang, isang ama ang sumikat sa social media matapos ipakita ang talento nito sa pagtatahi ng mga dress at gown.
Ipinakita ng kaniyang anak ng babae kung gaano ito ka-proud sa kaniyang tatay at ipinakita ang talento ng kaniyang ama sa pagtatahi ng mga dress at gowns.
Saad ni Toni Masil, 18-year-old, si tatay Gregorio ay isang home economics teacher sa Francisco Nepomuceno Memorial High School sa Pandan, Angeles City, Pampanga.
Saad ni Toni,
“Daddy started sewing no’ng binigay sa kanya ng school nila ‘yung subject na Dressmaking… Ayaw daw po niya humarap sa mga students na hindi alam ang ginagawa niya so nag-aral po siya gumawa ng patterns and magtahi (sa tulong ng) Youtube.”
Sabi din niya, na ang unang gown na tinahi ni tatay Gregorio para sa kaniya ay isang Belle costume para sa kanilang school activity.
Sabi ni Toni,
“I needed a Belle costume so naghanap po kami ni dad ng mare-rent. Wala po kami makita so tinanong ko po siya ba’t di na lang niya ako gawan ng gown? And ginawa naman po niya.”
Si tatay Gregorio ay nagpatuloy lamang sa paggawa ng gown para sa kaniyang dalawang anak na babae sa tuwing kailangan nila ito sa para school activity o event.
Kaya din ni tatay Gregorio gumawa ng classic black dress, ball gown, dress na gawa sa recycled materials at long gown.
Sa katunayan nga nanalo pa si Toni ng Best in Costume at Prom Queen awards sa magkahiwalay na okasyon kung saan ang gown na kaniyang suot ay gawa ng kaniyang ama.
Sabi ni Toni,
“I’m just proud and I want everyone to see.”
Sa ngayon, ang Twitter post ni Toni na itinatampo ang mga kasuotan na gawa ng kaniyang ama ay mayroon ng 6,300 retweet at 61,300 likes.
COMMENTS