Pinay celebs
Sigurado, marami sa ating mga netizens ang gustong magkaroon ng update sa kanilang mga iniidolong celebrities na kasalukuyan ng nakatira ngayon sa ibang bansa.
Kung ikaw ay isa sa mga naghahanap ng update kung saan at anong itsura ng kanilang tirahan sa ibang bansa ngayon, ibibigay namin sayo ang update ng ilang Pinoy celebrities.
Ang tatlong mga sikat at nagagandahang artista na to sa mundo ng showbiz na piniling umalis sa showbiz at nanirahan na lamang sa ibang bansa kasama na ang kanilang mister at anak.
Narito ang ilang mga litrato at videos na kanilang in-upload sa kanilang mga social media accounts.
Michelle Madrigal-Woolfolk
Kamakailan lamang, si Michell Madrigal ay ikinasal sa kaniyang American na kasintahan na si Troy Woolfolk sa Austin, Texas at doon na din nila piniling tumira kasama na ang kanilang anak.
Makikita ang kanilang magandang bahay sa ibang bansa sa ilang mga litrato at videos na ibinahagi ni Michelle.
Jewel Mische
Si Jewel Mische ay ikinasal sa kaniyang American na kasintahan na si Alex Kurze at pinili na nilang manirahan sa kanilang mumunting kastilyo kasama na ang kanilang babaeng anak.
Ang aktres naman ay pinasilip din ang kaniyang kastilyo na kung saan ito ay kaniyang pinangalanan na Rosewood Castle.
Cindy Kurleto
Si Cindy Kurleto ay ikinasal sa kaniyang British-Bajan na kasintahan at sila ay may dalawang anak na ngayon.
Ang dating Eat Bulaga host ay ipinasilip din ang kaniyang tirahan sa Vienna sa isang home tour video.
Sa kabilang banda, ipinasilip din ni Dawn Zulueta ang kaniyang magara, maaliwalas, at magandang tirahan.
COMMENTS