Wife Material
Siguro, ang pagiging stay-at-home parent o maybahay ay isa na sa pinakamahirap na trabaho. Dito, wala silang pahinga dahil habang inaalagaan nila ang kanilang anak, kailangan din nilang mag-asikaso sa loob ng bahay. Bukod dito, wala silang oras para makapagpahinga at hindi sila nakakakuha ng kahit anong sahod na pera.
Pero, kahit ganoon, ginagawa pa din nila ito ng may pagmamahal para sa kanilang pamilya. Ngunit, nakakalungkot isipin na ang mga sakripisyong kanilang ginagawa ay madalas hindi nakikita dahil mayroong ibang tao na iniisip na ang pagiging stay-at-home parent at madali lamang.
Kamakailan lamang, ang isang lalaki mula sa Thailand ang nagbahagi kung paano niya napagtanto ang hirap na trabaho ng kaniyang stay-at-home na asawa upang mapangalagaan ang kanilang anak at bahay, at kung gaano siya nagpapasalamat sa kaniyang asawa dahil sa sakripisyong ginagawa nito.
Nag-post siya ng isang collage ng mga screenshot na kaniyang nakuha mula sa CCTV, sinabi niya na gusto niyang sinusuri o tinitignan palagi ang footage upang makita kung ano ang ginagawa ng kaniyang asawa at anak. Matapos ng kaniyang pagmamasid, napagtatanto niya na hindi tumitigil ang kaniyang asawa sa mga gawain sa loob ng isang araw at madalang lamang ito kung magpahinga.
Sinabi din niya na kahit pagod na pagod na ang kaniyang asawa at hindi na nakakapagpahinga, hindi ito nagrereklamo. Siya din ay mayroong sweet na caption sa kaniya post para sa kaniyang asawa na sinasabing,
“I can’t express my gratitude enough for my wife’s sacrifices. Thank you for taking such good care of our child.”
Pinaalalahanan din ng lalaki ang iba pang mga asawa na hindi nila dapat isipin na ang pagiging stay-at-home ng kanilang mga asawa ay madali.
“People who go out to work complain about feeling exhausted when they come home. They think that their wives have it easier or do nothing at home. Change your mindset, because taking care of a child at home is not easy. I think our jobs outside are not even half as exhausting as our wives.”
Ang kaniyang post ay naging viral sa social media kung saan meron na itong mahigit 31,000 shares, at mayroong ibang netizens ang sumasang-ayon sa kaniyang pagmamasid. Maraming mga netizens ang nag-tag sa kanilang mga kaibigan at pamilya upang paalalahanan sila na mag pasalamat sa kanilang pamilya. Sa kabilang banda, may mga netizens din na pinuri ang lalaki at sinabing ito ay mabuting asawa at ama.
Ang kaniyang asawa naman ay sumagot sa viral post, sinabi niya na siya talaga ay nagulat na ito ay makakakuha ng maraming atensyon mula sa mga netizens.
Sabi niya,
“Actually we don’t need any grand gestures, just understanding and support from our husbands and families is more than enough. This gives us the power to keep going and take care of the family.”
COMMENTS