Mga Artista Na Dumaan Sa Matinding Kahirapan Noon Bago Nakamit Ang Kasikatan At Karangyaan

Rich celebrity philippines


Siguro, kung pupwede lang tayong humiling na maging mayaman at sikat kaagad, madali na lang gawin ang ibang bagay para sa atin. Ngunit, hindi naman mabibigay kaagad sa atin ang ganoong mga bagay. Maaari lang natin itong makamit sa pamamagitan ng ating pagtatrabaho ng mabuti.

Ilan sa mga susi para makamit natin ang ating mga pangarap ay ang pagtitiyaga, pagtatrabaho ng mabuti, kung gaano tayo kadeterminado sa ating trabaho, at pananampalataya.

Sa ating mga nakikita sa ilang mga pelikula, ang ibang mga kilala at beteranong artista ay hindi ipinanganak na mayaman ngunit sila ay dumaan din sa hirap bago nila marating kung asan man sila ngayon.

Narito ang ilang mga artista na nagsimula sa hirap bago nakamit ang mga bagay na mayroon sila ngayon:

1. Diether Ocampo


Bago nadiskubre si Diether Ocampo, siya muna ay naging isang bartender kung saan ang bar na kaniyang pinatatrabahuan ay madalas na pinupuntahan ng mga Talent scouts na nakadiskubre sa kaniya. Hindi lamang siya mayroong angking kagandahang mukha dahil siya din ay isa sa mga sikat na artista ngayon.

2. Jericho Rosales


Si Jericho Rosales ay nagsimula bilang isang pizza crew service. Siya din ay naging isang personal driver hanggang ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa at nadiskubre.

3, Nora Aunor


Si Nora Aunor ay naging kilala dahil sa kaniyang sikat na linya na "Walang Himala", ngunit bago siya naging isang sikat na artista, siya muna ay naging isang tindera ng tubig at mani malapit sa train station.

4. Richard Gomez


Bago maging sikat at tanyag sa kababaihan si Richard Gomez, siya muna ay nagsimula bilang isang service crew. Siya din ngayon ay nagsimula ng pumasok sa mundo ng politika maliban sa pagiging sikat sa showbiz.

5. Marc Pingris


Si Marc Pingris ay nagsimula sa pagtatrabaho at pagbebenta ng mga isda sa palengke at siya din ay naging isang tindero ng "ice buko" bago siya naging sikat na PBA player.

6. Fernando Poe Jr.


Fernando Poe Jr. ay naging isang stuntman kung saan ang mga bagay na kaniyang ginagawa ay kadalasang delikado at nakakapagod. Dahil diyan, siya ay naging isang protagonist at nakakuha ng titulo na "King of Philippine Cinema."

7. Kim Domingo


Si Kim Domingo ay kilala bilang “Asia’s Fantasy” dahil na rin siguro sa kaniyang angking ganda at ganda ng kaniyang katawan. Ngunit, bago niya nakuha ang titulo, siya muna ay nagtrabaho bilang isang promo girl sa isang kompanya ng mga alak.

8. Marvin Agustin


Si Marvin Agustin ay ang pinapangarap ng mga kababaihan noong 90's. Bago niya makuha ang atensyon ng mga babae, siya muna ay nagtrabaho bilang isang waiter at nagtinda ng mga pagkain sa kalye. Ngayon, ang dating taga-tinda ng pagkain ay isa na sa mga sikat na aktor na gumaganap sa ilang mga pelikula at serye.

9. Dolphy Quizon


Bago maging isang sikat na komedyante at aktor si Dolpy, siya muna ay naging tagalinis ng mga sapatos at naging isang coachman.

10. Willie Revillame


Si Willie Revillame ay kilala bilang isang mabait mapagbigay na host sa Wowowin sa mga mahihirap na tao dahil siya din ay naging isa sa kanila dati. Siya ay naging isang barket ng jeep at nagbebenta ng mga newspaper sa kalye.

11. Coco Martin


Si Coco Martin ay naging isang janitor noong sa Canada. Siya din ay kumikita ng maliit na pera sa pagiging extra sa mga Indie films. Ngunit ngayon, siya na ang nangunguna sa mga pelikula at mga serye sa TV, at ang kilala ngayon ay "Ang Probinsyano."

12. Manny Pacquiao


Si Manny Pacquiao ay kilala sa larangan ng boxing dahil sa dami ng kaniyang naipatumba na international boxers. Ngunit, bago niya makamit ang lahat ng mayroon siya ngayon, siya muna ay nagtrabaho bilang isang construction worker at isang pastry-maker.

Siya din ay nagtinda ng mga Sampaguita noon. Ngayon, hindi lamang siya isang sikat na boxer ngunit isa na ding politiko.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Mga Artista Na Dumaan Sa Matinding Kahirapan Noon Bago Nakamit Ang Kasikatan At Karangyaan
Mga Artista Na Dumaan Sa Matinding Kahirapan Noon Bago Nakamit Ang Kasikatan At Karangyaan
Rich celebrity philippines
https://1.bp.blogspot.com/-UAFtF-vFyew/XY8OHoHa-rI/AAAAAAABuaM/OhYo3xVRjpoQhaMgl68-qAiJb0gK4jgqQCLcBGAsYHQ/s640/rich%2Bpinoy%2Bartista.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-UAFtF-vFyew/XY8OHoHa-rI/AAAAAAABuaM/OhYo3xVRjpoQhaMgl68-qAiJb0gK4jgqQCLcBGAsYHQ/s72-c/rich%2Bpinoy%2Bartista.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/mga-artista-na-dumaan-muna-sa-matinding.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/mga-artista-na-dumaan-muna-sa-matinding.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy