Woman Robs at ATM
Kamakailan lamang, umani ng papuri ang isang magnanakaw matapos niyang ibalik ang pera na kaniyang kinuha sa isang babae sa isang ATM matapos niyang malaman na wala na itong natirang pera sa kaniyang bank.
Makikita sa isang CCTV footage ang isang babaeng nagngangalang Li sa isang bangko ng ICBC isang malalim na gabi kung saan siya ay nag wi-withdraw ng pera sa ATM nang biglang may isang lalaki ang pumunta sa kaniyang likod na may hawak na kutsilyo.
Dahil sa takot, ibinigay ni Li ang pera na kaniyang hawak na nasa 2,500 yuan o $372 na kaniyang na withdraw sa kaniyang account.
Ngunit, ang kasakiman ng hindi pa nakikilalang magnanakaw ay lumitaw at nais pa niya ng mas higit pa at pinilit ang babae na ipakita pa sa kaniya ang kaniyang balanse sa bangko.
Ang babae ay natatakot na sumunod, ngunit, ang pangyayari ay nagsimulang magbago nang makita ng magnanakaw na zero na lamang ang laman ng bank account ni Li.
Ang magnanakaw ay biglang nagbago ang tingin at ibinalik ang pera na kaniyang kinuha at umalis sa lugar na may pagngisi sa kaniyang muka.
Naiwan ang babae na gulat at hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniya.
Naiulat na ang insidente ay nangyari sa Heyuan City, South China, ngunit, kahit na ang lalaki ay ibinalik ang pera na kaniyang kinuha sa babae, siya pa din ay nahuli at makukulong dahil sa banda niya gamit ang isang kutsilyo.
Ang nakakagulat dito, maraming mga netizens ang tinawag siyang "Robin Hood," isang manggagantso na nagnanakaw lamang sa mga mayayaman.
Sa kabilang banda, siya din ay nakatanggap ng ilang mga papuri mula sa mga netizens at ilan sa kanila ang natuwa dahil mas pinili niya pa din na ibalik ang pera nang malaman niya na ang babae ay wala ng naiwan na kahit anong pera sa ATM accounta balance nito.
COMMENTS