Limang Body Language Na Nagpapakita Na Ang Iyong Partner Ay Tapat At Di Gumagawa Ng Kamalian

Body Language


Ang ating katawan ay talagang madaming sinasabi tungkol sa atin, aminin man natin o hindi. Sa paraan ng paghawak natin ng kamay sa ating mga partner at pagsasabi ng "I love you" habang nakaupo ay kakaiba sa pagsasabi ng "I'm mad at you."

Ito ay isang "silent orchestra" ng ating micro-expressions isang maikling pagpapakita ng emosyon ng isang tao na sinusubukang makipag ayos, postura, at hand gestures, base sa Psychology Today.

At ang lengwahe na ito ay maaaring makabunyag ng maraming bagay tungkol sa inyong relasyon partikular na kung ito ay nabuo sa katapatan at transparency. Nakakagulat na malaman na madali lamang malaman kung ang iyong partner ay nagsisinungaling sa iyo. Base sa Life Hacker, sa sinulat ng author ng Liespotting na si Pamela Meyer, na ang mga pekeng ngit at pagninigas ng itaas ng katawan ay ilan lamang sa mga pahiwatig.

Ano nga ba ang mga body language na nagpapahiwatig na mayroon kang tapat at healthy na relasyon sa iyong partner?

1. Pagpapanatili na magkaroon ng matagal na eye contact sa isa't isa habang kumukurap


Sa pamamagitan ng tingin, maipapakita mo kaagad ang iyong tunay na nararamdaman  at dahil dito, malalaman mo kung ang isang tao ay nagsisinungaling o hindi. Sa iyong kapareha, kung ikaw o siya ay napapanatili ang matagal na eye contact habang normal na kumukurap ang mata sa inyong pag-uusap, ito ay hindi senyales ng pagkakaroon ng atraksyon, ngunit siya ay nagiging tapat sa iyo.

Kung ang iyong kapareha naman ay nagkakaroon ng matagal na eye contact ng hindi kumukurap, ito ay senyales na nagsisinungaling siya at nagpapakita na alam nila ang mensahe na nais mong iparating, base sa Psychologist World.

2. Nakasandal sa bawat isa kapag ang isa sa inyo ay nagsasalita

Mayroong isang tiyak na pagiging open kayong ipinapakita kapag kayo ay nakasandal sa isa't isa. Sinasabi nito na ikaw ay nagtitiwala sa kanila para hayaan silang  makapasok sa iyong personal space at maging tapat sa kanila. Makakasiguro ka din na nararamdaman niya ang kapareho ng iyo kung ginagawa niya din ang bagay na ito sa iyo.


Base kay Terri Orbuch, Ph.D, isang couples therapist at sinabi sa Women's Health Mag,

“I feel close to you, I trust you, I want to be close to you. You’re leaning on someone you trust and may want to be comforted by.”

Ito din ay senyales na nagpapakita kung gaano niyo kagusto ang isa't isa.

3. Pagpihit ng katawan sa isa't isa kapag kayong dalawa ay nakaupo o nakatayo nang magkasama

Ang pagpihit ng iyong katawan sa iyong kapareha habang ikaw ay nakatayo o nakaupo ay nagpapakita na ikaw ay interesado sa kanilang sinasabi. Ang closeness na iyon ay nagsasabi ng isang kahinaan na mayroon ka lamang sa kanila dahil pinagkakatiwalaan mo sila.


Gusto mo ang pakiramdam ng kaligtasan at init dahil alam mo na ibibigay sa iyo ng iyong kapareha ang proteksyon at katatagan. At ang reaksyon na ito ay maaari lamang umepekto kapag ginagawa niya ito sa public at private. Nagpapakita ito na pinagkakatiwalaan mo ang iyong kapareha at mapagtatanto mo na ito ay nagagawa mo ng hindi mo alam.

4. Pagpapanatiling bukas ang palad habang may ginagawa

Base sa Martha Stewart Weddings, sinabi ng isang marriage at family therapist trainee, Jacob Kountz,

"Research has found that showing the palms of our hands during conversation displays openness, honesty, and directness. Basically, the things most people search for in a strong relationship."


Pagpapatuloy niya,

"Moreover, it's also good to pay close attention to hand gestures while they are speaking—for instance, if they are using hand gestures while speaking and it doesn't seem exaggerated, chances are they are doing their best to be warm and direct with you."

5. Pagrerelax ng katawan kapag kayo ay magkasama

Ikaw ay maaari lamang makapag-relax kapag kasama mo ang malalapit na tao sa iyo at iyong mga pinagkakatiwalaan. Kung kaya't kapag kasama mo ang iyong kapareha, at nalaman mo na pareho kayong nakakapag-relax kapag kasama niyo ang isa't isa, ito ay senyales na may tiwala kayo sa isa't isa.


Sa ganitong antas ng tiwala, magiging malinaw na kayong dalawa ay higit na handa para maging tapat sa isa't isa dahil mawawalan ng panghuhusga at isang seguridad na ang iyong kahinaan ay hindi magagamit laban sa iyo.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,333,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,447,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Limang Body Language Na Nagpapakita Na Ang Iyong Partner Ay Tapat At Di Gumagawa Ng Kamalian
Limang Body Language Na Nagpapakita Na Ang Iyong Partner Ay Tapat At Di Gumagawa Ng Kamalian
Body Language
https://1.bp.blogspot.com/-CL2KJxsZUYs/XXXQiOIwf0I/AAAAAAABsDE/wT336ZlTFqoJ6Y_XsurHun04HQIHyXTSgCLcBGAs/s640/honesty.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-CL2KJxsZUYs/XXXQiOIwf0I/AAAAAAABsDE/wT336ZlTFqoJ6Y_XsurHun04HQIHyXTSgCLcBGAs/s72-c/honesty.PNG
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/limang-body-language-na-nagpapakita-na.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/limang-body-language-na-nagpapakita-na.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy