Lost Wallet
Kamakailan lamang, naiulat na ang lalaki na si Wan Mohamad Adam, 29 taong gulang na nag mamay-ari ng isang tindahan ng mga damit sa Malaysia ay nakapulot ng malaking halaga ng pera sa kaniyang biniling mga damit sa ukay-ukay.
Kwento niya na siya ay may balak na magtayo ng sariling ukayan sa Kampung Tualang Salak, Kelantan sa Malaysia. Kung kaya, ilang buwan din siyang naghanda at ang pamimili sa mga warehouse bilang preparasyon sa ukayan na kaniyang bubuksan. Sa katunayan, siya mismo ang nag-aayos at namimili ng mga damit na kaniyang binibili.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, siya ay nakakuha ng isang makapal na wallet sa isa sa mga damit sa loob ng bulsa na kaniyang nabili. Ito ay isang itim na pitaka at mayroong laman na nasa halagang RM 16,800 o nasa Php 200,000
Sinabi niya na talagang gustong niyang isauli ang pitaka na kaniyang nakuha sa tunay na may-ari nito ngunit ito ay imposible dahil wala namang kahit impormasyon ang nakalagay sa nasabing wallet kung kaya't siya ay mahihirapan na hanapin ang may-ari neto.
Ngunit, sinabi niya na ang laman ay mga Japanese Yen kung kaya naisip niya na ang may-ari nito ay galing sa Japan.
Kung kaya't pinapalit niya pa ito sa kanilang local currency nang sa gayon ay magamit niya ang mga ito.
Napagdesisyunan na lamang ni Adam na huwag na isauli ang pitaka at gamitin na lamang ang pera na kaniyang napulot upang mas mapalago pa ang kaniyang negosyo.
Siguro nga maituturing talagang maswerte si Adam dahil sa biyaya na kaniyang nakuha.
COMMENTS