Celebrities that are related
Marahil, iniisip ng karamihan sa atin na marami na din tayong alam na bagay bagay tungkol sa ating mga paboritong artista. Ngunit, hindi naman lahat sa atin ay may alam na ang ibang artista ay may ugnayan pala sa kanilang kapwa artista.
Regine Velasquez at Ai-Ai delas Alas
Si Ai Ai ay kilala bilang isang Comedy Queen habang si Regine naman ay kilala bilang isang Asia's Song Bird. Ang dalawang sikat na artista na ito ay mag cousins-in-law. Si Ai Ai ay pinsan ni Ogie Alcasid.
President Corazon Aquino at Sophie Albert
Si Sophie ay apo ng dating Presidente na si Corazon C. Aquino. Ang ina ng tatay ni Sophie ay kapatid si Pres. Aquino. Kung kaya't si Sophie Albert din ay may ugnayan kay Kris Aquino
Sharon Cuneta at Faith Cuneta
Si Sharon at Faith ay 2nd cousins. Sabi din ni Faith na ang kaniyang naging inspirasyon habang siya ay lumalaki ay si Sharon Cuneta.
Coco Martin at Maine Mendoza
Si Coco ay malayong kamag-anak si Maine at nalaman lang ng dalawang ito ang tungkol dito nang sila ay magkaroon ng family reunion.
Gloria Diaz at Georgina Wilson
Si Georgina ay pamangkin ng Miss Universe na si Gloria Diaz, ang ina ni Georgina ay kapatid ni Gloria.
Susan Roces at Sheryl Cruz
Ang ina ni Sheryl ay kapatid ni Susan Roces. Kung kaya't siya ay pamangkin ni Susan.
Lorna Tolentino at ZsaZsa Padilla
Si ZsaZsa at ang nanay ni Rap na si Lorna Tolentino ay magpinsan. Kung kaya't si Rap Fernandez at Karylle Yuzon ay 2nd cousins.
KC Concepcion at Ciarra Sotto
Pamangkin ni KC si Ciarra dahil ang ina ni Carray ay tiyahin si Sharon Cuneta.
Gretchen Fullido at Marco Gumabao
Si Marco at Gretchen ay mag 1st cousins. Ang tatay ni Marco ay kapatid ng nanay ni Gretchen.
Eula Valdez at Paulo Ballesteros
Pamangkin ni Eula si Paulo. Ang ina ni Paulo. Ang ina ni Eula ay kapatid ng tiyahin ni Paulo.
Daniel Padilla at Antonio Aquintania
Si Antonio ay first cousin ni Karla Estrada kung saan pamangkin niya si Daniel Padilla
Tirso Cruz III at Rodjun Cruz
Si Tirso ay tiyuhin ni Rodjun.
Zoren Legaspi at Dani Barretto
Si Dani ay pamangkin ni Zoren dahil si Dani ay anak ng kapatid ni Zoren na si Kier Legaspi
Mickey Ferriols at Jackie Forster
Ang dalawang ito ay half siblings.
Franco Laurel at Denise Laurel
Silang dalawa ay apo ng dating presidente na si Jose P. Laurel
Maja Salvado at Philip Salvador
Tiyuhin ni Maja si Philip. Si Philip ay kapatid ng ama ni Maja.
Daria Ramirez at Kempee de Leon
Si Daria ay ang dating asawa ni Joey De Leon at siya ay ang ina ni Kempee.
Sid Lucero at Gina Alajar
Si Sid ay anak ni Mark Gil na ang kapatid ay si Michael de Mesa na dating asawa ni Gina Alajar. Si Sid ay pamangkin ni Gina.
Dingdong Dantes, Arthur Solinap, at Carlo Gonzales
Silang tatlo ay magpipinsan.
Jackielou Blanco at Janine Gutierrez
Si Janine ay pamangkin ni Jackielou dahil ito ay anak ni Monching Gutierrez. Si Monching ay kapatid ni Jackielou.
Kylie Padilla at Daniel Padilla
Ang kanilang ama ay magkapatid kung kaya't sila ay magpinsan.
Inigo Pascual at Benjamin Alves
Silang dalawa ay magpinsan dahil tiyuhin ni Benjamin si Piolo.
Sofia Andres at Bruno Gabriel
Silang dalawa ay magpinsan at inamin ni Bruno na sila ni Sofia ay malapit sa isa't isa kahit na madalang nilang makita ang isa't isa.
Dingdong Dantes at Paul Salas
Si Paul ay pamangkin ni Dingdong.
Ces Quesada at Martin del Rosario
Si Martis ay pamangkin ng beteranong aktres na si Ces Quesada.
COMMENTS