James Reid
Kamakailan lamang, may mga spekulasyon na kumalat sa iba't ibang social media platforms na lilipat na raw si James Reid sa GMA Network.
Ngunit, matapos umikot ang spekulasyon, binasag na din ng sikat na aktor ang kaniyang katahimikan tungkol sa isyu at inihayag ang totoo tungkol sa nasabing spekulasyon na tuluyan na nga niyang iiwan ang ABS-CBN at lilipat na sa rival network nito na GMA Network.
Ang spekulasyon ay umugong matapos napabalitang hindi nag-renew ng kontrata si James Reid sa Viva Artists Agency kung saan siya ay isa na siyang ganap na malaya na artista ngayon.
Ang Philippine Star ay nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ang sikat na aktor at tinanong nila kung maaari nitong sabihin ang katotohanan tungkol sa isyu na siya ay lilipat na sa rival network ng ABS-CBN.
Ang sikat na aktor ay sinagot ito at sinabi na ang spekulasyon ay hindi totoo at wala sa kaniyang plano na lumipat ng GMA-7 Network. Nang siya ay tinanong kung bakit hindi niya ni-renew ang kaniyang kontrata sa Viva, sinagot niya lang ito na sa ngayon ay kailangan niya munang magbigay ng oras at magpokus sa ibang mas importanteng bagay sa ngayon.
Saad niya,
“No, it’s not [true]. I just didn’t renew. You know, I’m focusing on other things now.”
Sa mga nakakaraang ulat, inamin ni Kathryn Bernardo ang ilan sa mga dahilan kung bakit sinabi niyang "no" na magkaroon ng isang proyekto kasama si James.
Si James Reid ay isa sa mga sikat na aktor, singer, songwriter, dancer, record producer, at model sa Pilipinas. Siya ay naging popular nang siya ay nanalo sa nakaraang edition ng reality show na "Pinoy Big Brother."
Siya ay mas naging kilala nang siya ay naging lead actor ng sikat na teleserye na "Diary ng Panget" kung saan ang kaniyang lead actress ay ang kaniyang on and off cam partner na si Nadine Lustre.
COMMENTS