Delivery man
Ang bawat tao na nagpa-plano para sa isang kasal ay siguro alam na na sila din ay magkakaroon ng ilang pagsubok habang nagpa-plano. Mula sa mga luha dahil sa wedding dress na kanilang isusuot, sa mga cake na kailangan nilang tikman, sa mga invitations na kanilang kailangan gawin, sa pag-aayos ng mga dapat pang ayusin hanggang sa ilang mga bagay na maaaring makasira ng kondisyon ng party, talaga nga naman ang listahan na kinakailangan mong gawinay walang katapusan at hindi natatapos.
Ngunit, sa mga kwentong iyong narinig o nabasa, sigurado na ang kwento ng babaeng ito ay ang pinaka nakakatawa sa lahat.
Isang babae na nagngangalang Peny ay nakatanggap ng isa parcel mula sa isang empleyado ng Pos Laju sa mismong seremonya ng kaniyang kasal, base sa viral tweet.
Ang litrato na kumalat ay ni-retweet ng 13,000 times matapos nitong ipakita na pinipirmahan ni Peny ang isang parcel habang ang seremonya ng kaniyang kasal ay nangyayari.
At hindi lang diyan, mayroon pa silang litrato ng postman.
Sa Instagram post na ni Peny, binanggit niya na sinabi ng kaniyang asawa,
“Hmm, I can now predict what my future will be like if even on our wedding day, a postman shows up to deliver your parcel.”
Matapos kumalat ng tweet, ilang mga netizens ang kaagad nagbigay ng kanilang comento at reaksyon sa naturang pangyayari.
Narito ang maikling pagsasalin ng kanilang comento,
“When you want to get married but Lazada has a sale.”
“Did you ask that postman to join the kenduri feast?”
“That postman’s face was hilarious. He probably thought to himself, ‘Am I doing the right thing? Please sign quickly!'”
Talaga nga namang marami sa ating mga netizens ang talagang natuwa sa nasabing viral tweet. Mula sa aming lahat, gusto naming batiin ang bagong kasal at nawa'y manatili silang masaya at healthy.
COMMENTS