Exam food
Ang ating mga guro ang itinuturing na ating pangalawang magulang na nagmamalasakit at nagbibigay liwanag at gabay sa ating buhay sa labas ng ating tahanan partikular na sa paaralan.
Sila din ang nagtuturo at tumutulong sa mga estudyante upang madiskubre ang mga bagong kaalaman na kanilang natututunan sa kanilang sarili na maaaring magpahusay pa lalo sa mga estudyante sa iba't ibang kasanayan at kaalaman.
Kung kaya't nararapat nating saluduhan, irespeto, at igalang ang ating mga guro dahil sa kanilang tiyaga, sipag, at galing na kanilang ginagawa.
Ngunit, ang ipinakita ng gurong ito ay talaga nga namang nakakamangha at kakaiba.
Kamakailan lamang nagviral ang isang guro sa Zamboang City matapos ipakita ng Facebook post ang panlilibre ng gurong ito sa kaniyang mga estudyante na galingan sa kanilang exam upang makakuha ng mataas na grado.
Ang gurong ito ay si Arnulfo Burlas, Jr. o Sir Jun. Siya ay ang gurong nanlibre ng tatlong kahon na pizza at ilang mga soda float sa kaniyang 49 na estudyante.
Saad ni Sir Burlas, pagdating sa pagtuturo, dapat ang nangunguna palagi ay ang malasakit sa mga estudyante. Kung saan ito ay nagiging inspirasyon at sandigan din na mas lalo pang pahalagahan ang mga estudyante.
Marami naman sa ating mga netizens ang humanga sa ginawa ng gurong ito. Saad nila na hindi halaga ng pera ang makakapagdulot ng kasiyahan sa mga bata kung hindi ang pagmamalasakit at pagmamahal na ginagawa ng mga guro para sa mga bata.
Narito ang ilang komento ng ating mga netizens:
"Yan ang my malasakit na guro. Saludo ako sau sir.Sana magandang halimbawa sa kapwa mo guro na bukang bibig ang mababang sweldo at nagdedemand ng malaking sweldo pero ang pagtuturo pa pitiks pitiks lng."
"saludo ako sa iyo..isa ka sa nagbibigay ng tulong sa mga estudyante ..minsan may mga estudyante na pilit na pumapasok kahit wala pang kain ..maka exam lng..Maraming salamat sir"
"Bait naman ni teacher. Kahit mababa ang sahod nagagawa parin ilibre mga students niya para lang ma-motivate sila sa pag-aaral. Thank you sir! Napaka selfless po ninyo at napaka-supportive niyo. Sana next time po milktea at siopao naman daw. Hihi"
"Sa lahat ng guro gnyan pero kbaligtaran namn samin.. samin pa ngpapalibre c teacher. Tas every month my contributions for anything or something daw..."
"Totoo yan kasi kahit mahina ang bata matututo kasi may malasakit si teacher, may teacher ako dati na kahit ang hina ko sa math pag siya ang ng turo gustong gusto ko kasi naiintindihan ko kasi napaka aprochable at mapag bira"
COMMENTS