Blue Eyes Filipina

Si Chenie A. Tuvilla, anak nina nina Ronnie A. Tuvilla, at Cherie Yam Cole Arabao, ay ipananganak na mayroong mga bughaw na mga mata. Ito ay binigyang pansin ng pahina sa Facebook ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho matapos makatanggap ng magandang rebyu.
Ayon sa Best of Life, mayroon lamang na labim pitong porsiyento ng buong populasyon ng mundo ang mayroong ganitong katangian. Samantala, limampung porsiyento naman ng populasyon ang may kayumangging kulay ng mata.
Sinasabi rin na ang isang tao naman ay maaaring ipinanganak na may bughaw na mga mata ngunit nagiging kayumanggi kalaunan. Sinasabi rin dito na ang katangian na ito ay nagmumula sa isang gene OCA2. May isa ring paniniwala na ang katangian na ito ay nagmula sa isang tao lamang na nagkaroon nito at siyang nagpasa sa kanyang mga anak.
Sa larangan ng Genetics, may dalawang paraan upang magkaroon ng bughaw na mga mata. Una, kung ang isang anak ay may dalawang magulang na mayroong bughaw na mga mata rin. Isa pa ay kung pareho ng iyong mga magulang ay may recessive na blue eye allele. Sa okasyon na ito, isa sa apat mong anak ay magkakaroon ng bughaw na mga mata.
Samantala, maaari ring makuha ang katangian na ito bilang kapansanan gaya ng Waardenburg syndrome na nagdudulot ng pagkabingi at pag-iba ng kulay ng buhok, balat at ng ng mga mata. Sinasabi rin na may pinakamaraming mayroong bughaw na mga mata sa Finland at Estonia.
May mga nagkomento sa larawan ng bata na hindi na raw kailangan ng bata magsuot ng contact lens. Mungkahi rin ng ibang nagkomento na baka raw pinaglihi ang bata sa isang manika.
Lahat naman ay namangha sa kagandahan ng bata at kanyang mga mata. Kaya naman tumanggap ang litrato ng bata ng dalawang libong mahigit na mga reaksiyon.
Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat ang ina ng bata sa kanyang Facebook account na si Cherie dahil sa mga papuri na natatanggap ng kanyang ina.
COMMENTS