Isang Ama, Sinamahan Ang Kanyang Anak Na Naka-Wheelchair Na Kukuha Ng LET Exam

Father's Love


Sigurado na marami na tayong nakikitang mga netizens na nagbahagi ng kanilang kwento at mga paghihirap na kanilang pinagdaanan at sa mga sakripisyo na ginawa ng kanilang mga magulang sa kabila ng pagiging pasado sa isang Licensure Examination for Teachers (LET).

Ngunit kahit hindi pa man nailalalabas ang resulta ng LET na nangyari nitong Setyembre, mayroon na kaagad isang nakakaantig na kwento na kung saan ito ay nagsilbing inspirasyon para sa mga taong kumuha ng nasabing exam.

Kamakailan lamang isang netizen na si Sheila Mae Glor ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account at itinampok kung gaano ang pagmamahal at suporta na ibinibigay ng isang ama sa anak nito na kumuha ng LET.


Sabi ni Glor na siya ding kumuha ng nasabing pagsusulit ng araw na iyon, mayroon siyang napansin na isang ama na naghihintay sa labas ng silid kung saan ginanap ang LET. Napansin daw kaagad ni Glor na matiyagang naghihintay sa isang sulok si Tatay mula nang mag-umpisa ang pagsusulot ng ganap na 6:30 ng umaga.

Mabait daw ang matanda, sa katunayan, bawat taong nakikita niyang dumaraan ay ginagawaran niya ng ngiti. Kung kaya't naramdaman kaagad ni Glor ang suporta na ibinibigay ni Tatay sa taong kaniyang hinihintay at sinasamahan.


Ang LET ay inabot ng maghapon. Sina Glor din ay nayari ng nasa 5:30 na ng hapon. Ngunit, kaniya pa ring nakita si Tatay pagkalabas niya ng silid. Nginitian din daw siya ni Tatay kung kaya't napagdesisyunan niyang kausapin ito.

Kwento daw ni Taty kay Glor,

“Nag-eexam sa loob ang anak ko eh.”

Tinanong din ni Glor kay Tatay kung sino ang anak na kaniyang binabantayan na nandoon sa loob at nage-exam pa. Mabilis naman na itinuro ni Tatay ang lalaking naka-wheelchair sa loob. Tinuloy din daw ni Tatay ang kaniyang kwento tungkol sa anak at sinabing,

“Mula first year ‘yan hatid-sundo ko na ‘yan. Hanggang ngayon na board n’ya.”


Ang mga kataga din na iyon na sinambit ng matanda ay ang nagpukaw sa atensyon ni Glor. Sabi ni Glor na kaniya ding napagtanto lahat ng mga sakripisyo na ginawa ng isang magulang mabigay lamang ang nararapat para sa kaniyang anak.

Basta para sa anak, ang mga magulang ay hindi iintindihin ang pagod o ang mahabang oras na kanilang gugugulin.

Saad ni Glor sa kaniyang viral Facebook post,

“Isinama ko po kayo sa prayer ko Tay. Na nawa bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n’yo.”

Makalipas ang ilang sandali, natapos din ang kwentuhan nina Glor at ni Tatay dahil yari na rin sa pagsusulit ang anak nito. Ngunit, ang mag-ama ay nagsisilbi pa ring inspirasyon para kay Glor gayon na rin sa mga taong kumuha ng LET ngayong taon.

Marami din sa ating mga netizens ang naka-relate sa kwento ni Tatay at ng kaniyang anak na patuloy at nagpapatuloy pa din silang abutin ang kanilang mga pangarap kahit na sila ay may kapansanan.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Isang Ama, Sinamahan Ang Kanyang Anak Na Naka-Wheelchair Na Kukuha Ng LET Exam
Isang Ama, Sinamahan Ang Kanyang Anak Na Naka-Wheelchair Na Kukuha Ng LET Exam
Father's Love
https://1.bp.blogspot.com/-3zTwDjY3PvQ/XZLicJw97FI/AAAAAAABvBM/732AE-geFCQ3YdqyWgHto9k361lYHIvQQCLcBGAsYHQ/s640/father%2BLET.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-3zTwDjY3PvQ/XZLicJw97FI/AAAAAAABvBM/732AE-geFCQ3YdqyWgHto9k361lYHIvQQCLcBGAsYHQ/s72-c/father%2BLET.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/isang-ama-sinamahan-ang-kanyang-anak-na.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/isang-ama-sinamahan-ang-kanyang-anak-na.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy