Half-Sisters

Ang magkasintahang si Staci at James Maneage napagkasunduang mag-ampon nang bata pagkatapos magkaroon ng tatlong anak na lalake. Ang magkasintahang nakatira sa Weldon Spring, Missouri ay nakita ang isang batang nangangailangan ng matitirhan sa bahay ampunan sa Tsina, ang bata na nagngangalang Elliana.
Si Elliana ay sampung taong gulang na mayroong kondisyon sap ag-uutak kaya dahil ditto maraming pamilya ang tumanggi upang siya’y ampunin ngunit ito naman ang dahilan kung bakit lalo siyang gusting ampunin nang mag-asawa na si Staci at James upang tulungan ang bata kaya kanilang napagdesisyonan na ampunin ito.
Nang maampun na nila Staci at James si Elliana sa pamilyang Maneage sa Weldon Springs, napagtanto ng mag-asawa na mayroong pamilyang malapit sakanila na nakatira na nag-ampon din ng isang bata galing Tsina na may pangalan na Kinley. Kung saan ang pitong taong gulang na si Kinley ay may sakit din na kondisyon din sa utak tulad ng kay Elliana.
Ang dalawang pamilya na magkalapit lamang na magkapit-bahay kung saan parehas din ito ng pinupuntahang simbahan. Sa hindi katagalan na laging pagkikita ng dalawang pamilya, naging mag-kaibigan ang dalawa na si Elliana at Kinley.
Kahit na inampon ang dalawang bata sa magkaibang parte ng Tsina ay mapaghahalataan ang pagka-parehas na pisikal na itsura nito. Nagkaroon ng malalim na ugnayan ang dalawang mag-kaibigan na si Staci at Elliana kung saan lalong tumaas ang kuryusidad ng dalawang pamilya tungkol sa dalawang ito.
Napagkasunduan nang dalawang pamilya na ipa DNA testing ang dalawa nilang anak na babae upang makita ang resulta at hindi naman naniniwala ang mga magulang ng dalawang babae na sila’y may relasyon dahil galling ang mga ito sa magkaibang parte ng Tsina at ibang ampunan.
Nang lumabas na ang resulta ng DNA test ng dalawang batang babae na ikinabigla nang dalawang pamilya kung saan lumabas na 99.9% na magkapatid ang dalawa. Hindi makapaniwala ang kanilang pamila na magkapatid si Elliana at Kinley.
Napagtanto nila na sadyang may paraan ang tadhana upang pagtagpuin ang dalawang nalayong magkapatid sa isa’t isa na nakuha ng magkaibang pamilya na nakatira sa magkalapit lamang na bahay na pumupunta sa iisang simbahan at nakaubo na matibay na pagkakaibigan kahit hindi pa alam nang dalawa na sila’y tunay na magkapatid.
COMMENTS