'Good Utang Vs Masamang Utang': 10 Bagay Tungkol Sa Pera Ayon Kay Megastar Sharon Cuneta

Money Lesson


Ang sikat na aktress na si Sharon Cuneta ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa marami sa atin, kung ito ay ang kwento sa pagbabawas ng kaniyang timbang, ang kaniyang paraan sa pagiging magulang, o ang kaniyang matibay na relasyon sa kaniyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan

 At ngayon dahil sa YouTube channel ng Megastar, tayo ay maaaring matuto sa kaniya dahil ibinabahagi niya ang kaniyang mga pananaw at ilang tips sa iba't jbang usapin katulad ng pag-aampon, pakikipag-relasyon, pagpapaganda, at kahit sa pera.

Isa sa kaniyang mga video clips na kaniyang in-upload noong Hulyo 2019, ipinakita ni Sharon ang 10 saving tips tungkol sa pera na kaniyang natutunan sa ilang taon pagdating sa pamumuhunan at pagtitipid.


Sabi ni Sharon,

“Ang tao hindi yumayaman sa kinikita niya lang. Yumayaman tayo sa naiipon natin.”

Ang Megastar ay nagbigay pa ng halimbawa: kung ikaw ay kikita ng Php10,000 ngunit ang iyong gastusin ay nasa Php8,000, at nagastos mo ang kalahati nito sa iyong mga luho, ngayon kailangan mong isipin ang mga bagay na dapat mong unahin.

Sabi niya,

“Naiintindihan ko na ang necessities pa lang, nakakaubos na ng kita… but you really have to pay yourself first. Ipon ka muna.”

Ang Megastar din ay itinuturing ang kaniyang sarili na may kaalaman tungkol sa real estate at inamin na inilalagay niya ang kaniyang mga kita doon. Hindi niya lamang ito natutunan sa kaniyang ama, na kumikita ng pera sa pagbili ng properties at pag-aayos nito, at ang mga properties na kaniyang nabili ay kaniyang ibebenta sa mas mahal na presyo, siya din ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang mga real estate at financial experts para makakuha siya ng payo para sa investments.


Pero itinuturing pa din ni Sharon ang kaniyang sarili na conservative investor, at ang isa sa mga best saving tips na kaniyang natutunan ay huwag pumasok sa isang business na hindi niya naman alam.

Dagdag pa niya,

“Maraming stories about magigiting na OFWs na pag-uwi nila, may mag-yayaya, ‘Pare, sali ka sa negosyo ko. Tapos naubos lahat ‘yung pinaghirapan nila ng ilang taon, kasi hindi mo naiintindihan [yung negosyo].”

Inirerekomenda din niya na kumuha expert, kung ito ay kaya mo, kung gusto mong mag-invest sa isang business na hindi mo alam kung paano lumakad. Halimbawa, dahil ang singer ay hindi pamilyar sa stocks, kumuya siya ng expert para matulungan siya.

Pagbabahagi niya,

“Kapag malaki ‘yung investment, hayaan mo na sila, mas alam nila ‘yun.”

Siguro maraming tao ang mag iisip na ang pag-upa ng isang bahay laban sa pagbili ng bahay ay pagtatapon lamang ng pera, ngunit hindi sumang-ayon ang Megastar. Si Sharon din ay nag-upa ng condo sa loob ng limang taon kasama ang kaniyang anak na di KC Concepcion noong maghiwalay si Sharon at Gabby Concepcion.


“I learned a lot in those five years,” the actress shares. “Remember: It’s like paying for a service. It’s like paying a roof over your head. Hindi talaga pagtatapon.”

Hindi mahalaga kung maliit ang bahay o isang studio unit, kung ikaw ay mayroong pagkakataon, pwede kang bumili sarili mong property.

Paliwanag ni Sharon,

“Kapag may sarili ka na, nag-trabaho ka pa, pati mga asawa at anak mo nag-ta-trabaho, pwede naman kayong mag-sosyo at bumili ng isa pang property na pwede ninyong ipa-upa hanggang lumaki ‘yun ng lumaki.”

Dagdag pa niya,

“Pagdating ng araw, tataas ‘yung value nun. Ibebenta ninyo, kumita pa kayo.”

Sinabi din ni Sharon na siya ay mayroong entrepreneural spirit bilang bata. Kokopyahin niya ang kaniyang kaklase na nagguguhit sa isang bond paper at pagsasamahin ang mga papel upang makabuo ng isang notebook. Ibebenta din nila ito ng 25 centavos kada isa.


Noong siya ay maging singer at aktes, hindi din ginagalaw ng kaniyang magulang ang kaniyang kita. Noong siya ay nagpakasal, ang kaniyang ama ay binigyan siya ng checke ng kaniyang kabuuang pera. Simula pa noon, siya na ay naging responsable sa pera.

Noong siya ay magkaanak, siniguro ni Sharon na matutunan din ng kaniyang mga anak ang pagpapahalaga sa pera. Kung ang kaniyang mga anak na si Frankie,  Miguel, at Miel ay may gusto, hahanap sila ng paraan upang makakuha ng pera para dito.

Pagbabahagi ng Megastar,

Miguel sells ice candy. Frankie will sell turon or banana cue. Miel will sell banana milkshakes ‘pag may bazaar nun sa bahay namin sa Laguna.”

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,131,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,397,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,434,Tips,64,Trending,478,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 'Good Utang Vs Masamang Utang': 10 Bagay Tungkol Sa Pera Ayon Kay Megastar Sharon Cuneta
'Good Utang Vs Masamang Utang': 10 Bagay Tungkol Sa Pera Ayon Kay Megastar Sharon Cuneta
Money Lesson
https://1.bp.blogspot.com/-pAQF1cvVmAo/XW-braM0u1I/AAAAAAABra4/lG7pATQTOsU-VxBzwXEVGAvuPqiN3f_5QCEwYBhgL/s640/sharon%2Btips.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-pAQF1cvVmAo/XW-braM0u1I/AAAAAAABra4/lG7pATQTOsU-VxBzwXEVGAvuPqiN3f_5QCEwYBhgL/s72-c/sharon%2Btips.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/good-utang-vs-masamang-utang-10-bagay.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/good-utang-vs-masamang-utang-10-bagay.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy