CEO Charity Delmo
Sigurado, karamihan sa mga kompanya ay ginugugol ang kanilang oras sa trabaho, ngunit, ang isang CEO sa Pilipinas, ay inuutusan ang kaniyang mga empleyado na unahin ang kanilang pamilya kaysa ang trabaho.
Kamakailan lamang, nag post ang Ideal Visa Consulatancy CEO na si Charity Delmo at pinayuhan ang kaniyang mga empleyado na ibigay ang kanilang oras para sa kanilang pamilya at sinabi niya na kaya niya sila kinuha upang magtrabaho sa kaniya ay para sila ay maging mabuting tagabigay ng serbisyo at hindi ilayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa kaniyang post, binigyang diin ni Charity ang pagbabalanse sa trabaho at buhay lalo na ang paggugugol ng mas maraming oras sa kanilang pamilya kaysa sa pagtatrabaho ng mas matagal na oras. Sabi niya,
“So when the time comes that you will have to choose between attending your sons and daughters’ school activities over a client’s needs, if you have to choose between your wife or your husband’s needs over mine as your boss, —please choose them.”
Ang kaniyang post ay mayroon ng mahigit 46,000 shares at nakatanggap ng mga papuri mula sa mga netizens. Ngunit, mayroong iba sa kanila ang nagtataka kung ang CEO na katulad niya ay talagang nabubuhay at kinwestyon ang pagiging lehitimo ng kaniyang post.
Sa kabila ng maraming pag-aalinlangang, ang post ni Charity ay tiyak na gumawa ng nakakaintriga at pagbubukas ng usapin sa pagbabalanse ng trabaho at buhay at kung ang kaniyang diskarte ay rebolusyonaryo o isang nakakakilabot o nakakagulat na galaw.
Narito ang buong post ni Charity Delmo,
COMMENTS