Cotton buds
Kamakailan lamang, isang netizen na si Daeron Carlo Pabiloña ang nagbahagi sa kaniyang Facebook account ng kaniyang naging karanasan sa paggamit ng cotton buds.
Base kay Daeron, siya ay nagkaroon ng Impacted Ear at Ear Impeksyon.
Kwento niya, noong huling linggo ng August, sila ng kaniyang pamilya ay nagpunta sa Batangas para sa despidida trip ng kaniyang pinsan. Matapos niyang magbabad sa dagat at sa pool, bigla na lamang daw siyang nakaramdam ng mabigat na pressure sa kaniyang kanang tenga at biglang nawala na ang kaniyang pandinig.
Ayon pa sa kaniya, sumakit ang kaniyang ulo, nilagnat, at ang malala ay namaga ang kaniyang kanang tenga.
Pumunta sa kaagad sa ospital at doon niya nalaman na ang kaniyang kanang tainga ay infected na at hindi ito pupwedeng magalaw dahil pati ang kaniyang ear drum at ear canal ay namamaga na din.
Pagbabahagi ni Daeron, siya ay sunailalim sa Ear Extraction atvsinabi ng doctor sa kaniya dahil sa sobrang linis ng kaniyang tainga, ang lahat ng ear wax sa loob.
Ngunit, nahirapan ang doctor sa pagtatanggal ng impacted earwax, at napagdesisyonan na lamang niya na bumalik muli dahil hindi niya nakakaya ang sakit.
Sa kabutihang palad, nakakarinig na daw siya ng maayos at mayroong sakit pa din dahil sa pagtanggal ng ear wax.
Narito ang buong kwento ni Daeron Carlo Pabiloña:
COMMENTS