BDO Account
Alam naman natin na marami pa rin na ang mga tao na nakakaranas na sila ay nakukuhanan ng pera sa kanilang bank account ng walang permiso o hindi nila alam.
Isa na nga diyan ang isang netizen na si Ruby Anne L. Chavez na ginamit ang kaniyang Facebook account upang ibahagi ang nangyari sa kaniya.
Pagbabahagi niya na neto lang umaga, September 17, 2019, nabawasan ang kaniyang pera sa bank accoun niya ng mahigit sa 65,000. Saad din niya na hindi niya kailanman pinasok ang kaniyang account sa kahit anong ATM o kaya ay mga payment online kung kaya laking gulat niya na lamang sa mga email na natatanggap niya tungkol sa transakyon na naganap.
Kwento niya na pumunta siya sa bdo branch ngunit sinabi lang nito na wala silang magagawa at maghintay na lamang sa imbestigasyon ganon din ang sagot ng call center.
"Never ko napasok yung account ko sa any ATM or Any payment online pero ngayong umaga nagbawasan ako ng 65,000 plus. Di ko alam nagulat na lng ako sa mga nag email sakin na transaction. Tapos nag punta agad ako bdo branch ko wala raw sila magagawa. For investigation pa. Tumawag na ko sa call center ganun din. Sabi ko my info kayo ng taong yun bakit di nyo i hold yung taong yun para di nya magalaw mga nawala samin. Tapos gusto nyo mag antay kami sa wala tapos walng assurance na mababalik. Di biro yung pag iipon namin tapos ganyan lng ginagawa nyo. Bakit sa mga simple tao pa kayo nag nanakaw."
Dahil sa nangyari, dismayado si Ruby dahil wala din siyang kasiguraduhan na ang perang nawala sa kaniya ay maibabalik pa.
Sinabi din niya kung gaano siya nadismaya sa pangyayari at sa BDO na wala pa ding ginagawa upang mahanap ang tao na kumuha sa pera sa kaniyang account.
"Grabe kayo BDO ang dami nagtitiwala sa inyo tapos ganyan lng gagawin nyo."
Pagbabahagi din niya na ang kaniyang bagong account ang nawalan ng pera ngunit ang kaniyang lumang account ay buo pa din ang pera niya.
"2 account ko sa BDO pero yung bagong account lng yung nawalan yung lumang account ko complete pa din. Tapos ayaw nyo ipa pull out natitirang pera bakit kasi di nyo pa nakukuha. Diyos na bahala sa inyo."
COMMENTS