Dahil Sa Pagmamahal, Anak Nagpagawa Ng Bahay Base Sa Blueprint Ng Dreamhouse Ng Tatay

Dream house


Pinangako ni Randy Oliverio sa kaniyang sarili na maipagpatayo ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya at ito ang isang pangako na kaniyang pinagsikapan at tinupad din sa loob ng limang taon ng paunti-uni.

“Ito na ang huling beses na makikita ko ang bahay namin na maraming tapal dahil sa butas.”

Sinabi ni Randy sa kanyang sarili noong taong 2014 na gagawin niya lahat ng kaniyang makakaya para lamang maipagawa ang kanilang bahay nang sa gayon ay hindi na sila babalik sa tagpi-tagping bahay at tuwing umuulan ay damay pati ang loob ng kanilang bahay dahil sa dami ng butas dito.

Unti-unti itong pinagawa ni Randy sa loob ng limang taon. Ngayon naman ay ang bahay na minana ng kaniyang ama sa kaniyang magulang ay unti unti na ring nayayari.


Ginawa ni Randy na inspirasyon ang blueprint na gawa ng kaniyang tatay na kung saan dream house nito. Saad nito na na nakita niya ang kaniyang ama ng maraming beses sa pagiging abala sa paggawa nito.

Saad ni Randy,

“Pangarap talaga ng papa ko na maging two-story na my terrace ang bahay namin na tinitirahan, na minana pa n’ya sa magulang n’ya. Bata pa lang ako ay lagi kong nakikita papa ko na gumagawa ng blueprint ng dream house n’ya. Siguro mga tatlong beses ko siya nakita na gumagawa ng layout sa dream house n’ya. And praise God! Ang pangarap ng papa ko noon ay hindi na lang sa drawing ngayon kasi naging makatotohanan na. Nakulayan din sa wakas!”


Para na din mapaayos ang bahay, ginamit niya halos lahat ng kaniyang sweldo para dito. Sinabi din ni Randy na madalas sabihin ng mga kaopisina niya na mas magandang unahin na mag-inves sa negosyo at hindi ang bahay. Ngunit, kahit alam niya na tama ito, mas pinili niya na lang na unahin ang bahay na pangarap ng kaniyang pamilya.

Pagbabahagi niya,

“May isang successful person ako na narinig…sabi n’ya, siguro kung buhay pa ang magulang n’ya ngayon, lahat ng gustong kainin ibibigay n’ya; lahat ng hilingin, kung kaya, ay ibibigay n’ya. Siguro ngayon daw pinatayuan n’ya ng maayos na bahay kahit mansion pa. Kaso hindi na inabot ng magulang n’ya ‘yong pag-succeed niya.”


Dagdag niya,

“Gusto ko ibigay sa magulang ko ‘yong gusto nilang pagkain na kaya pa nila lasahan at nguyain dahil hindi pa bawal. Gusto ko rin mapuntahan nila ‘yong ibang lugar na kaya pa nilang i-enjoy habang naglalakad. Gusto ko ma-enjoy nila ‘yong akyat-baba sa second floor ng bahay na pangarap nila, na hindi pa sumasakit ang tuhod…. Iba rin pala ‘pag pamilya or magulang mo ang naging inspirasyon mo kasi binibigay talaga ni Lord."

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Dahil Sa Pagmamahal, Anak Nagpagawa Ng Bahay Base Sa Blueprint Ng Dreamhouse Ng Tatay
Dahil Sa Pagmamahal, Anak Nagpagawa Ng Bahay Base Sa Blueprint Ng Dreamhouse Ng Tatay
Dream house
https://1.bp.blogspot.com/--yuqbtEX64g/XYZUY0PqlmI/AAAAAAABthY/vYng7HSNfJIdJ_B2dwUse0Uv1U2PgXm3gCLcBGAsYHQ/s640/tatay%2Bhouse.jpg
https://1.bp.blogspot.com/--yuqbtEX64g/XYZUY0PqlmI/AAAAAAABthY/vYng7HSNfJIdJ_B2dwUse0Uv1U2PgXm3gCLcBGAsYHQ/s72-c/tatay%2Bhouse.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/dahil-sa-pagmamahal-anak-nagpagawa-ng.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/dahil-sa-pagmamahal-anak-nagpagawa-ng.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy