Wedding
Madaming pwedeng pagpilian ang isang magkarelasyon kung paano gaganapin ang kanilang kasal. Ang iba ay mas pinipili ang church wedding habang ang iba naman ay pinipili ang beach wedding, dagdag na din dito ang romantic vibe na makikita ang paglubog o di kaya paglitaw ng araw.
Ngunit, ang lugar kung saan ginanap ang kasal ng mag-asawang ito ay kakaiba dahil sila ay nagpapalitan ng pangako sa isa't isa habang nakasabit sa ere.
Ang magkarelasyon na ito na nagmula sa Hainan Province, China, ay nagpakasal habang sila ay nakasabit sa 100 metres sa talampas ng Chaya Mountain noong November 11, 2017.
Ang talampas ay ang tagpuan ng sikat na action adventure show na "Journey to the West" na ini-remake noong 1970s na "Money".
Ang mga umakyat ay siyang tumulong sa dalawa upang makaakyat sa talampas, bihis ang kanilang sarili bilang mga karakter ng show bilang pagbibigay na din ng mga pagpapala sa bagong kasal.
Kahit na ang napili nilang lugar para sa kanilang kasal ay hindi ganoong kaengrande katulad ng marami, pinatunayan pa din nila na ang mountain cliff ay maaaring magandang lugar na maaaring pag ganapan ng kasal.
Ang bride, sa kabilang banda, ay mas pinili ang kaniyang kaligtasan dahil siya ay umaakyat at mayroong suot na climbing shoes at wala siyang suot na belo.
Sigurado na ito ay isang araw na hindi malilimutan ng bride at ng groom. Nais namin na ang kanilang kasal ay mapuno ng pagmamahal at huwag bumitaw sa isa't isa at kumapit ng mahigpit sa kanilang magiging pagsasama katulad ng hindi nila pagbitaw at paghawak sa isa't isa sa talampas.
COMMENTS