Lyca New Life
Si Lyca ay siyam na taong gulang lamang nang siya ay sumali sa nasabing singing contest kung saan siya pa ay nanalo bilang kauna-unahang kampeon ng "The Voice Kids Philippines Season 1", isang reality singing competition na pinapalabas sa ABS-CBN.
Ngunit bago pa man maging sikat si Lyca bilang isang magaling na singer, siya muna ay nagkokolekta ng mga plastik na bote, lumang dyaryo, at iba pang mga recyclable na basura at scraps sa Tanza Cavite upang makatulong sa mga pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Si Lyca din ay naging viral matapos ang kaniyang video clip na kumakanta ng isang OPM na kanta na "Kalakip ng Awitin" ay kumalat sa social media platforms.
Nagumpisa din si Lyca ng kaniyang career kung saan inilarawan ang kaniyang buhay sa Maalala Mo Kaya ng Kapamilya Network at siya din ay naging isa sa mga bisita ng Hawak-Kamay ng ABS-CBN, ngunit, ibinigay sa kaniya ng buo kung paano niya mapapakita pa ang kaniyang angking talento sa pagkanta.
Noong 2015, si Lyca ay nagkaroon ng isang debut album na "Puede Nang Mangarap" sa ilalim ng kompanya ng MCA Music Inc., na inilabas sa madla.
Maliban pa diyan, siya din ay nakatanggap ng kaniyang kauna-unahang Awit Award for Best Performance by a Child ng kaniyang pag-awit ng kanta ni Regine Velasquez na "Narito Ako."
Huling nakita si Lyca sa TV nang siya ay sumali sa Season 2 ng Your Face Sounds Familiar Kids noong 2017 at sa The Kids Choice noong 2018.
Base sa kaniyang social media account, si Lyca ay hindi na ganoong ka-aktibo sa TV ngayon dahil siya ay mas abala na sa kaniyang pag-aaral, ngunit ginagawa niya pa din ang kaniyang makakaya para mai-update ang kaniyang mga fans at supporters sa pamamagitan ng kaniyang vlogs, song covers, at ilang mga gigs na madalas niyang ibinabahagi sa kaniyang YouTube channel.
Ang 14-year-old na batang singer ay nagkaroon din ng pagkakataon na makapunta sa iba't ibang parte ng mundo kagaya ng Hongkong at Australia para magperform at maipakita ang talento sa pagkanta. Siya na ngayon ang "breadwinner" ng kanilang pamilya at siya din ay nakabili na ng kaniyang sarili sasakyan at bahay para sa kaniyang pamilya.
COMMENTS