Free Philippines Documents
Good news para sa mga tao na unang beses na maga-apply ng trabaho dahil hindi na nila kailangan magbayad pa para makakuha ng mg dokumento na kanilang kinakailangan para ibigay sa kanilang pagtatrabahuhan.
Kamakailan lamang, pinirmahan na ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11261 o e First Time Jobseekers Assistance Act. Isinapubliko ito noong Mayo 7, Martes.
Sa ilalim ng batas, ang mga governmen agencies ay hindi na maaaring singilin ang mga first-time jobseeker para makuha ang mga dokumento na kailangan nilang makuha.
Narito ang mga dokumento na galing sa gobyerno na makukuha ng libre:
At para makuha ito ng libre, ang mga first-time jobseeker ay dapat magbigay ng barangay certificate na naglalahat na sila talaga ay isang first-time na aplikante.
Ngunit, ang mga tao na kukuha ng professional licensure examinations ay hindi na kasama sa RA 11261
Ang mga aplikante din ay kinakailangan pa din magbayad para sa kanilang Philippine passport at aplikasyon para sa Career Service Examination. Hindi din kasama sa RA 11261 ang driver's license. Ang mga job seeker ay maaari lamang itong makuha ng isang beses.
Sa kabilang banda, marami sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang reaksyon sa nasabing batas. Marami sa kanila ang nagsasabi na ang makakakuha lamang neto ay ang mga first-time job seekers.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"1st time job seekers lang yan..edi wla ng magiging fund ang gobyerno kung free na all the way..isa yan sa fund ng gobyerno."
"Libre po sa mga unang kukuha at magwowork pa lang."
"sa pagkakaalam ko lang po ah libre cya sa mga firstime lang po magkatrabho ung mga bago pa lang kkuha ng mga requirements"
COMMENTS