Online Bf
Isang babaeng taga-Lithuania ang lumipad sa kalahati ng buong mundo para lamang makipagkita sa kaniyang kasintahan na nakilala sa online sa unang pagkakataon. Isang video ang nag-viral kung saan nagpakita ng kanilang kwento at pinatunayan nila na ang distansya ay hindi dahilan para siya ay mahiwalay sa kaniyang kasintahan na Filipino.
Base sa ulat ng Filipino Times, si Vikachka Chaya Radaviciute at Eugene Galang ay unang nakakilala sa Instagram noong May 2017 noong si Eugene, na nakatira sa Pilipinas, ay nagpadala sa kaniya ng mensahe na "Hi". Makalipas ang ilang araw na pag-uusap, ang dalawa ay araw-araw na nag c-chat sa isa't isa kung saan sila din ay nag-uusap sa pamamagitan ng video call halos araw-araw.
Silang dalawa ay hiwalay ng nasa 5,802 na milya sa lupa pati na din sa dagat, si Vikachka ay nagdesisyon na lumipad patungo sa Pilipinas upang makilala at makita si Eugene sa personal matapos ang isang taon na pag-uusap na madalas.
Habang siya ay patungo ng Pilipinas, si Eugene naman ay matiyaga siyang hinintay sa airport. At nang ang eroplano nito ay sa wakas na nakarating sa Pilipinas, ang dalawa ay nagkatagpo ng personal sa unang pagkakataon.
Sa ilang post sa Facebook, ibinahagi ni Vikachka ang ilang litrato niya kasama si Eugene kung saan pinuntahan nila ang iba't ibang tourist spots sa Pilipinas. Siya din ay napakilala sa pamilya ni Eugene.
Sa kabilang ng mga natatanggap na ilang komento mula sa netizens, marami pa din sa mga netizens ang namangha sa kanilang dalawa dahil sa kanilang cross-country love story.
Marami naman ang naghahangad ng kasiyahan para sa dalawa. Ang isang netizen na mayroong username na "Dovahkiin069Nightfury" ang nagsabi na,
"being able to find a rare kind of love even though you guys are 5,802 miles apart [is impressive]."
Tunay nga na ang distansya ay wala lamang dahil kung talagang mahal niyo ang isa't isa hindi niyo hahayaan na ang distansya lamang ang sumira sa inyong relasyon.
COMMENTS