8 Negatibong Epekto Ng AirCon Sa Kalusugan Na Di Natin Namamalyan

Air Conditioning


Dahil sa sobrang init na ating nararamdaman, partikular na tuwing summer na, ay isa sa mga dahilan kung bakit mas nasanay ang iba sa atin na gumamit ng air conditioners (ACs).

Kapag summer, makikita natin na bukas ang AC halos kahit saang establisymento tayo pumunta. Mula sa ating opisina, sa sasakyan, ating bahay, at kahit sa mga kwarto sa ating bahay.

Ngunit, alam niyo ba na ang pananatili sa AC sa matagal na oras ay mayroon ding maaaring maging sanhi sa ating katawan. Kahit gaano pa tayo ka-komportable na manatili sa AC kahit buong araw at magdamag, mayroon pa din itong ibinibigay na makakasama at epekto sa ating katawan.

Narito ang ilang mga masasamang epekto na maaari mong makuha sa air condition:

1. Pagtutuyo ng mata


Ang pananatili sa air conditioners sa mahabang oras ay maaari makapagpalala ng mga sintomas kapag ikaw ay mayroong tuyong mata. Ang pagkakaroon ng pagtutuyong mata ay talagang nakakairita at nakakainis dahil sa kati na hatid nito. Ang mga taong nakakaranas ng pagtutuyong mata ay hindi dapat manatili sa AC ng matagal na panahon.

2. Pagtutuyo ng balat

Ang makati at tuyong balat ay maaaring sanhi sa pananatili sa AC sa mahabang oras. Ang sobrang pagkakalantad ng iyong balat sa AC kasama na rin sa pagkakalantad mo sa araw ay maaaring maging sanhi ng pagkati at pagkatuyo ng iyong balat. Ang iyong balat ay maaaring bumalik sa normal makalipas ang ilang oras ng pananatili sa labas ng bahay, ngunit ang pagtutuyo ng balat ay madalas na nagtatagal.

3. Dehydration

Hindi katulad sa ibang kwarto, ang kwarto na may AC ay may mas mataas na probilidad na ikaw ay magkakaroon ng dehydration. Ang AC ay sumisipsip ng labis na kahalumigmigan sa kwarto, at makakaramdam ka nalang ng dehydration dito. Isipin mong mabuti na noong ikaw ay nasa AC na mayroong low temperature lamang at ikaw ay nanlalamig at nakakaramdam na kailangan mong uminom ng tubig.

4. Problema Sa Baga


Ang pananatili sa AC sa mahabang oras ay maaari kang makaranas ng pagbabara ng ilong, rhinitis, at pagtuyo ng lalamunan. Ang rhinitis ay isang kondisyon kung saan ito ay nagiging sanhi ng pamamaga ng mucous membrane sa ilong. Ito ay sanhi sa pamamagitan ng allergic reaction o impeksyon sa bayrus.

5. Asma at alergis

Para sa mga taong may allergies at asthma, ang AC ay maaarig makapagpalala ng iyong kondisyon. Para namn sa mga sensitive, ang pananatili sa loob ay makakatulong dahil sila ay maaaring malayo sa iba pang pollutants. Ngunit, ang iba ay maaaring makaranas ng kabaliktaran nito. Kung ang iyong AC ay hindi malinis, ito ay maaaring maging sanhi upang mas tumaas ang tsansa na lumala ang iyong alergisat asma.

6. Nakakahawang sakit

Ang pananatili sa AC sa matagal na oras ay maaaring maging sanhi upang matuyo ang daanan sa loob ng iyong ilong. Maaari ding mangyari na ang pagtuyo ng iyong mucuous at pagiging iritado ng iyong mucous membranes. Ang kawalan ng proteksyon ng mucous ay maaaring maging sanhi para mas lalong ikaw ay tamaan ng mga viral infections.

7. Pananakit ng ulo


Dahil sa pagiging dehydrated na sanhi ng AC ito ay maaring maging sanhi ng migraines at pananakit ng ulo. Ang dehydration ay madalas na napapansin kapag ang usapin ay migraines. Kapag ikaw ay pumasok at lumabas sa AC rooms o di naman kaya ay punta sa init sa labas ng biglaan matapos mong manatili sa AC ng matagal na oras, mayroong pagkakataon na makakaranas ka ng pananakit ng ulo. Kapag naman ang mga AC rooms ay hindi napanatili ng maayos, ikaw ay maaaring madaling kapitan ng migraines at pagsakit ng ulo.

8. Lethargy

Ito ang aparato na ginagamit upang ikaw ay palamigin kapag sobrang init sa labas at ito ay mayroong masaman epekto sa'yo. Ang mga tao na nananatili sa AC sa matagal na oras ay nakakaranas ng sluggishness at lethargy, base sa ilang pag-aaral.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 8 Negatibong Epekto Ng AirCon Sa Kalusugan Na Di Natin Namamalyan
8 Negatibong Epekto Ng AirCon Sa Kalusugan Na Di Natin Namamalyan
Air Conditioning
https://1.bp.blogspot.com/-nAyA6KCVy7Q/XXd3PGwJwZI/AAAAAAABsM8/fsjziRcOjhU6JD1o9Tu5SEVHkjc85izUgCLcBGAs/s640/air5.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-nAyA6KCVy7Q/XXd3PGwJwZI/AAAAAAABsM8/fsjziRcOjhU6JD1o9Tu5SEVHkjc85izUgCLcBGAs/s72-c/air5.PNG
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/8-negatibong-epekto-ng-aircon-sa.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/8-negatibong-epekto-ng-aircon-sa.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy