3 Masamang Epekto Ng Sobrang Paggamit Ng Celphone Lalo Na Tuwing Gabi

Kung isa ka sa mga tao na ang huling tinitignan bago matulog at unang hinahanap pag gising ay ang mobile phones. Ito ay maaaring makaapek...


Kung isa ka sa mga tao na ang huling tinitignan bago matulog at unang hinahanap pag gising ay ang mobile phones. Ito ay maaaring makaapekto sa pagtulog at dumagdag sa pagkakaroon ng insomnia. Ang pagtulog malapit sa iyong mobile phone ay maaaring makaapekto sa iyong pagtulog at ang mga pagbabago na iyong magagawa ngayon upang magkaroon ng maayos na pagtulog.

Si Alexander Graham Bell ang nakaimbento ng mobile phones noong 1876 , ngunit sa paglipas ng panahon, ito ay unti unting nagbabago, mula sa mga functions nito hanggang sa papel nito sa ating buhay.  Hindi na ito ang nagiging daan upang makausap ang ating mga mahal sa buhay na nasa malayo, bagkus ito ay mayroon ng iba't ibang gampanin sa ating buhay.

Ang ating mobile phones ay talagang nakadikit na sa ating buhay. Maaari na tayong makatawag o makapagbigay ng ating mensahe sa ating mga mahal sa buhay, hanapin ang mga impormasyong hindi natin alam o nais pa nating malaman, makagamit ng mapa kapag tayo ay naliligaw o hindi alam ang daan na ating tinatahak, magbigay ng ating opinyo gamit ang iba't ibang social media platforms, makapaglaro ng mobile games, at marami pang iba.


Dahil sa mga ito, hindi na nakakapagtaka na ito ay nagiging sanhi upang pigilan ang ating pagtulog.

Magbawas ng tulog

Ilan lamang sa mga aktibidad na nabanggit ang nagpipilit sa atin na ipagpatuloy ang pag-scroll, pagbabahagi, pagkokomento, pagbabasa, pagpopost, paglalaro, at marami pang iba. Ito din ay mahirap ng pigilan lalo na kung ito ay nakasanayan na kung saan ito ay nagiging sanhi upang mapigilan at malimitahan ang oras ng a ing pagtulog. Ito din ay nakakadagdag sa sleep deprivation kung saan ang oras na pahinga na ating kailangan ay hindi natin nakukuha.

Ilaw

Ang ilaw na nagmumula sa ating computer, tablet, at mobile screens. Kahit kaunting artipisyal na ilaw na nagmumula sa screen ay maaaaring maging sanhi ng circadian rhythm. Ito ay maaaring maging sanhi ng ating pagtulog ng hindi maaga na magiging resulta ay morning sleepiness at insomnia.


Maraming iba't ibang dahilan bakit natin dapat hindi itabi ang ating mobile phones sa atin tuwing tayo at matutulog. Una na dito ay maiwasan ang matagal na paggamit dito. Pangalawa, mapigilan ang ating sarili na tigilan ang kakatingin sa ating mobile phones. Pangatlo, maaari nating maiwasan na makabasa na talagang nakakapagpainis sa atin na nagiging sanhi upang ang mahirapan tayo sa pagbalik sa pagtulog.

Maaari din natin na isilent o ilagay sa airplane mode ang ating mobile phones nang sa gayon ay hindi tayo magising sa tunog na ringtones na nagmumula sa ating mobile phones.

May ibang tao ang nag-aalala sa magiging epekto ng electromagnetic fields sa ating kalusugan kasama na dito ang pagkakaroon ng brain tumors o epekto sa fertility. Alisin ang mobile phones sa itong kwarto ay isa sa mga paraan upang mabawasan ang pagkalantad natin sa mobile phones.

Narito ang simpleng pagbabago na maaaring makatulong sayo kung ikaw ay may insomnia o kaya ay hindi nakakuha ng maaayos na tulog. Pagisipan mabuti kung gaano nakakaapekto ang mobile phones sa iyong pagtulog at isaalang-alang ang mga sumusunod na pagbabago:


1. Ilagay ang mobile phones sa kusina

Hayaan mong ikaw ay pumunta sa iyong kama nang hindi bitbit ang iyong telepono. Kung mayroon mang emergency, malalaman mo nalang ito kinabukasan. Maaaring makabawas ito sa epekto ng iyong tulog kung aalisin mo ang iyong mobile phone sa iyong kwaro at ilalagay ito sa ibang lugar katulad na lamang ng kusina.

2. Kumuha ng alarm clock sa halip na gamitin ang alarm ng iyong mobile phone.

Bumili ng alarm clock kung kinakailangan mo itong gamitin upang ikaw ay magising ng tamang oras kinabukasan. Ilagay ito sa iyong kwarto at ilagay ang oras kung anong oras mo kailangan gumising. Kung maaari, iwasan ang pagtingin tingin ng oras sa gabi. Ngunit kung gusto mo talaga na gamiting ang alarm ng iyong mobile phone, maaari mo itong i-airplane o night mode upang mabasawan ang pagkagambala sa iyo at ilagay ito malayo sa iyo.

3. Patayin ang sleep-tracking application.

Mayroong iba na ginagamit ang kanilang mobile phone upang masubaybayan ang kanilang pagtulog at ang mga pattern nito na may iba't ibag applications o teknolohiya na wearable. Ngunit, walang dahilan upang maingat na idokumento ang bawat galaw tuwing gabi. Ito lamang ay maaaring makagambala sa iyong pagtulog.


4. Panatilihin ang buffer zone at i-minimize ang ilaw sa gabi.

Subukang protektahan ang huling oras o dalawa bago ang iyong oras ng pagtulog upang makapagpahinga at maghanda sa pagtulog. Maaari kang magbasa, manood sa telebisyon o kaya ng mga pelikula, o makinig ng mga kanta. Bawasan din ang pagkalantad ng iyong mata sa ilaw. Kung maaari, palitan ang close screens sa night mode.

4. I-optimize ang kapaligiran sa pagtulog

Isaalang-alang ang iba pang paraan upang mapabuti ang iyong kwarto upang gawin itong sleep sanctuary. Ikaw ay pumunta sa iyong higaan kapag ikaw ay inaantok na. Maaari kang bumangon at gumawa ng ibang nakakarelax na bagay kung ikaw pa din ay gising na higit na sa bente minuto. Maaari kang bumalik ulit sa iyong higaan kapag ikaw ay inaantok na.

Laging tandaan, ang teknolohiya ay nakakatulong sa ating buhay, ngunit, maaari din itong makaapekto sa atin kung hindi natin lilimatahan ang ating sarili sa paggamit nito. Gawing pag-uugali ang ilayo o ialis ang mobile phone sa iyong kwarto. Sa ganitong paraan, makakatulong ito upang mapabuti ang iyong pagtulog at masisigurado na magkakaroon ka ng sapat na tulog.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,333,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,447,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 3 Masamang Epekto Ng Sobrang Paggamit Ng Celphone Lalo Na Tuwing Gabi
3 Masamang Epekto Ng Sobrang Paggamit Ng Celphone Lalo Na Tuwing Gabi
https://1.bp.blogspot.com/-0yJqiHsnO14/XWv8mrUygpI/AAAAAAABq1U/h0b61nZKHC8vIFVVC_x3UdjOQCjen8q-wCLcBGAs/s640/phone%2Bat%2Bnight.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-0yJqiHsnO14/XWv8mrUygpI/AAAAAAABq1U/h0b61nZKHC8vIFVVC_x3UdjOQCjen8q-wCLcBGAs/s72-c/phone%2Bat%2Bnight.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/3-masamang-epekto-ng-sobrang-paggamit.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/3-masamang-epekto-ng-sobrang-paggamit.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy