10 Babae Na Bumihag Sa Puso Ng Dating Pangulong P-Noy

Noynoy Love Life


Sa isang interview na inilabas ng The Philippine Star noong February 21, 2010, inamin ng dating Presidente na si President Benigno "Noynoy" Aquino III na siya ay nagkaroon ng kaniyang unang kasintahan noong siya ay 18 taong gulang lamang.

Sinabi niya na kahit siya ay nagkaroon ng maraming karelasyon, ngunit, sa isang kadahilanan, siya ay hindi nagpakasal. Nang siya ay maging 52 noong February 8, siya pa din ay nananatiling single.


Dahil siya ay naging Presidente, sigurado na ang kaniya ding love life ay labis na labis. Maliban sa mga babae na nasa listahan, si P-Noy din ay na-link sa TV5's Trish Roque, ang aktres na si Iza Calzado, at ang Bais City Mayor na si Karen Villanueva. Ang kaniyang kapatid na si Kris Aquino ay sinabi din na si P-Noy at ang Thai Prime Minister na si Yingluck Shinawatra ay magiging isang magandang magkapareha.

Narito ang 10 babae na nakakuha sa atensyon ni P-Noy:

KORINA SANCHEZ


Nagkaroon umano ng relasyon si P-Noy at Korina Sanchez sa huling bahagi ng 1980s hanggang sa unang bahagi ng 1990s. Ngunit, hindi sigurado kung kailan naghiwalay ang dalawa dahil sinabi ni P-Noy nang siya ay mainterview noong 2010 na ito ay tinatawag nilang quits "two decades ago."

Si Korina din ay limang taon na mas bata kay P-Noy at isang broadcast journalist at isang career-driven alpha female na hindi pa gusto ang pagkakaroon ng pamilya ng pamilya. Kung kaya't hindi nakakagulat na sila ay naghiwalay at pinili na lamang maging mabuting kaibigan.

Si Korina ay nagpakasal kay Manuel "Mar" Roxan II na running mate ni P-Noy noong eleksyon noong 2010. Si Mar ay gusto ding tumakbo bilang President ngunit pinili na lamang niyang huwag ng tumakbo nang magdesisyon si P-Noy na tumakbo bilang Presidente. Ngunit, sa kasamaang palad, si Mar ay hindi naging Vice President. Ngunit, si P-Noy ay naging isa sa mga sponsors nang kasal ni Korina at Mar noong October 27, 2009. Si P-Noy din ay binigyan si Mar ng posisyon bilang Secretary ng Department of Transportation and Communications.

MARICEL MORALES


Nang maging Presidente si P-Noy, ang isang Rey Pumaloy ay tinanong ang aktres na si Maricel Morales sa kaniyang pagkakasangkot sa pangulo. Inamin naman ni Maricel na nakilala niya si P-Noy noong 1998. Nang parehong taon, siya ay kasalukuyang nag-shshoor ng isang pelikula na pinamagatang Talahib at Rosas 2 kasama si Joko Diaz sa Hacienda Luisita, Tarlac. Si P-Noy din ay naiulat na dinadalaw si Maricel sa set nang ilang beses at nagkaroon na din sila ng hapunan na magkasama sa Hacienda Luisita ng ilang beses.

Saad ni Maricel, siya at si P-Noy ay nag-uusap sa loob ng apat hanggang limang buwan.  Kung saan, pinapadalhan din ni P-Noy ng pagkain si Maricel sa kaniyang bahay sa Angeles City, Pampanga.

Inamin naman ni Maricel na wala siyang naging relasyon kay P-Noy dahil nang mga oras na iyon, siya ay nahulog na sa action star na si Ace Espinosa.

Si Maricel ay nagpakasal kay Ace at nagkaroon sila ng dalawang anak. Sumali din si Maricel sa isang Mrs. World Pageant noong 2000 kung saan siya ay tinanghal bilang second place. Noong 2003, siya at si Ace ay naghiwalay, ngunit siya din ay naka-move on na at na-elect pa bilang councilor ng Angeles City.

BARBARA MILANO


Nang mainterview si Barbara Milano noon sa The Buzz by Kris Aquino noong 2002, siya at si P-Noy ay hiwalay na. Ang isang user na nakakakita sa interview ay inamin na sinabi ni Barbara na siya at si P-Noy ay naging magkarelasyon noong 2000 elections. Ngunit sila ay naghiwalay noong kalagitnaan ng 2001.

Si Barbara ay gumanap na sa ilang pelikula at teleserye katulad ng Masarap Habang Mainit, Tikim, at Eskort. Kung kaya, ang ilang ay nagkakaroon ng spekulasyon na ang pamilya ni P-Noy ay hindi siya nakikita bilang isang magandang kapareha para kay P-NOY. Ngunit, inamin ni Kris na gusto niya si Barbara.

Nang siya ay maelect bilang councilor ng Talavera, Nueva Ecija, ang kaniyang kwento ay natampok sa Magpakailanman sa GMA-7 noong 2004. Sa kwento, mayroong isang karakter na mukhang si P-Noy, ngunit, para na rin irespeto ang kaniyng privacy, pinangalanan na lamang nila ito bilang Dondon. Ito ay ginanapan ni Ricardo Cepeda habang si Barbara naman ay si Katherine Luna.

BERNADETTE SEMBRANO


Inamin din ng journalist na si Bernadette Sembrano na siya ay nagkaroon ng relasyon kay P-Noy at ito ay natapos noong 2003 sa isang article na nailabas noong 2006 ng The Manila Bulletin. Sa isa ding article na nailabas ng People's Tonight, inamin din na si Bernadette at P-Noy ay naging magkarelasyon ng isang taon at kalahati.

Sa article ng Manila Bulletin, sinabi ni Bernadette na siya at si P-Noy ay naghiwalay dahil sila ay masyadong abala sa kanilang mga trabaho. Sinabi din niya,

"I'd really rather not talk about him because he may have a girlfriend now and it's not fair for her if I will talk about her boyfriend. Besides, I really want to keep my private life private. Plus, he comes from a respected and famous background and I don't want to be accused na nakikisakay lang ako (of taking advantage of him) for popularity."

Si Bernadette ay nagpakasal kay Emilio Aguinaldo IV ang apo ng unang presidente ng bansa noong June 12, 2008. Base sa PEP.ph, nakilala ni Bernadette ang kaniyang asawa noong June 12, 2006 sa Cavite.

SHALANI SOLEDAD


Base sa GMA News Online article na isinulat ni Sophia Dedace, sinabi ni Shalani Soledad na nakilala niya si P-Noy noong July 2005 noong State of the Nation Address ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Siya ay reporter noon sa UNTV habang si Aquino ay isang congressman na kumakatawan sa Tarlac. Sila ay nagkita muli noong 2008 nang si Shalani at ang iba pang opisyal nang Valenzuela City ay nakilala si P-Noy sa Alfredo's Steakhouse sa Quzon City. Sa isang interview ng The Buzz, sinabi ni Shalani,

"Twenty years ago, sinabi niya na it's a miracle na nabuhay siya dahil 20 years after makikilala pala ako (Twenty years ago, he said it was a miracle that he survived, because 20 years later he would meet me)."

Ang kanilang relasyon ay naging opisyal noong September 5, 2008. Ngunit, nang November 2010, sinabi ng kapatid ni P-Noy na si Ballsy Aquino-Cruz na siya at si Shalani ay tinawag itong quits.

Hindi din alam kung bakit naghiwalay ang dalawa. Ngunit, naging Presidente noon si P-Noy at si Shalani ay mas bata ng 20 taon kay P-Noy.

Nang sila ay maghiwalay ni P-Noy, si Shalani ay naging isa sa mga co-host ni Willie Revillame sa kaniyang show na Willing Willie, na kung saan ito ay pinalitan ng pangalan bilang Wil Time Bigtime. Noong September 2011, siya ay naiulat na engage na sa Pasig congressman na si Roman Romula. Sila ay nagpakasal noong Januray 22, 2012.

BARBIE PALAGOS


Noong October 9, 2010, naiulat ng Saksi na si P-Noy at ang babae na si Barbie Palagos ay nakunan ng  litrato ng magkasama. Ang muka ni Barbie ay naka-edit sa nasabing litrato. Base sa naunang ulat, ang dalawa ay nagkaroon ng hapunan na magkasama sa Nuvo Restaurant and Wine Bar sa Greenbelt, Makati.

Ang mga tao din ay hindi alam kung sino si Barbie at kung ito ang tunay na kaniyang pangalan. Ngunit sinabi ni P-Noy sa Sun Star Manila,

"We may not be able to meet again because she does not want to be the center of attention."

Maraming mga netizens ang hinanap ang Facebook account na may pangalang Barbie Palagos. Ngunit ang profile na ginamit sa account ay isang litrato ng korean actress na si Lee Yoen Hee.

LIZ UY


Si Liz Uy ay naging stylist ni P-Noy na nagsimula noong May 2010. Hindi din agad nakumpirma ni Liz ang mga ulat dahil siya ay walang nakuhang opisyal na salita tungkol sa pagkyha ng trabaho. Noong November 2010, inamin ng TV host na si boy Abunda na si Liz at si P-Noy ay nasa "getting to know each other" stage na. Ngunit, mayroon ding ulat na si Liz ay hindi naging karelasyon si P-Noy.

Siguro, si Liz at P-Noy ay hindi naging magkarelasyon dahil maraming mga tao ang nakikialam dito.

Si Kris Aquino ang nagrekomenda na si Liz ang maging stylist ni P-Noy. Sinabi din ni Krid na ang fashion sense ni P-Noy ay hindi updated. Si Liz din ay isa sa mga ex-girlfriend ng actor na si John Lloyd Cruz.

LEN LOPEZ


Noong November 29, 2010, si P-Noy ay nakita kasama si Len Lopez na nagmemeryenda sa Deustche Bacnk sa Myron sa Power Plant Mall sa Rockwell Center, Makati. Ang dalawa ay nakunan din ng magkasama sa Cultural Center of the Philippines at nanonood ng choral concert gabi ng January 8, 2011. Noong February 21, 2011, naiulat din ng ABS-CBN News.com, na ang kapatid ni P-Noy na si Ballsy Aquino-Cruz ay inamin na si Len ay ang "steady date" ni P-Noy.

Ngunit, nang ituring ng kapatid ni P-Noy si Len bilang steady date nito, ang relasyon ng dalawa ay nagsimula ng magkagulo. Ngunit, hindi nagsalita si Len sa media sa nangyari.

Ang condo unit ni Len ay natampok noong March 2006 sa Real Living magazine.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,150,Celebrity Houses,5,Celebrity Stories,222,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,4,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,351,Tips,60,Trending,369,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: 10 Babae Na Bumihag Sa Puso Ng Dating Pangulong P-Noy
10 Babae Na Bumihag Sa Puso Ng Dating Pangulong P-Noy
Noynoy Love Life
https://1.bp.blogspot.com/-f_-8ZOwCPRc/XY7IlDp3LkI/AAAAAAABuV0/cx9tfyfP4PoW-qCdqyHYnoNSZa8JYVhrgCLcBGAsYHQ/s640/Pnoy%2Blovelife.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-f_-8ZOwCPRc/XY7IlDp3LkI/AAAAAAABuV0/cx9tfyfP4PoW-qCdqyHYnoNSZa8JYVhrgCLcBGAsYHQ/s72-c/Pnoy%2Blovelife.jpg
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/09/10-babae-na-bumihag-sa-puso-ng-dating.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/09/10-babae-na-bumihag-sa-puso-ng-dating.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy