Zanjoe Marudo, Na-Aksidente Habang Naglalaro Sa All-Star Basketball Game 2019

Zanjoe Injury


Siguradong nag-enjoy ang karamihan sa mga artista o mga showbiz fans sa kamakailan lamang na All-Star Game na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng Agosto 25.

Ang mga fans ay humanga at nagalak nang makita ang kanilang mga idolo na naglalaro ng ilang sports na bihira lamang makita sa telebisyon.

Ngunit ang anumang sports ay may aksidenteng nagaganap sa kahit na anong klaseng physical games. Hindi natin ito mapipigilang hindi mangyari lalo na sa pisikal na larong basketball.

Ito ang nangyari sa aktor na si Zanjoe Marudo na kalmado parin matapos magkaroon ng cut sa kanyang kilay dahil sa larong basketball.


Ang ganitong aksidente ay hindi inaasahan ng Kapamilya star na si Zanjoe Marudo habang naglalaro ng basketball para sa Star Magic All-Star Games 2019.

Ang 37-taong-gulang na artista, na naglaro kasama ang inihayag na kampeon na Red Team at Eric Tai mula sa Blue Team ay nagkasalubong habang nag-aagawan sa rebound kung saan hindi sinasadyang tinamaan ni Eric ng kanyang siko ang Kapamilya actor.

Ibinahagi rin ni Zanjoe ang ilang mga larawan ng kanyang injury sa kanyang Instagram account na may caption na, “Malayo sa bituka. Congrats Team RED!”


Marami ring tagahanga at kapwa artista ang nagbigay ng kanilang komento para sa actor. Isa na rito si Vice ganda, na humingi ng paumanhin dahil siya ay isa sa mga teammate ni Eric at ang team captain ng Its Showtime All-Stars.

Sa ngayon, bukod sa injury ni Zanjoe, wala nang ibang insidente ang nangyari sa naganap na Star Magic All-Star Games 2019. Naging matagumpay naman ang nasabing sports games na basketball at volleyball ng mga kilalang artista.


Nasungkit ng Red Team ang pagiging Kampeon sa larong basketball na pinangungunahan nina Gerald Anderson at Daniel Padilla. Naging Kampeon naman sa larong volleyball ang koponan ni Kim Chiu laban sa koponan ni Julia Barretto.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,139,Celebrity Houses,15,Celebrity Stories,333,Celebrity Tips,1,Celebrity. Tips,2,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Modern Houses,7,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,9,OFW News,2,OFW Stories,1,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,20,Sick,1,Stories,420,Tips,64,Trending,447,TV Show,2,
ltr
item
The Relatable: Zanjoe Marudo, Na-Aksidente Habang Naglalaro Sa All-Star Basketball Game 2019
Zanjoe Marudo, Na-Aksidente Habang Naglalaro Sa All-Star Basketball Game 2019
Zanjoe Injury
https://1.bp.blogspot.com/-J5X_ZnpNf0E/XWctYjqCzeI/AAAAAAABqHo/mtywW51yIEwJ6zjFYTAY5EhpwBR9fkurQCEwYBhgL/s640/zanjoe.PNG
https://1.bp.blogspot.com/-J5X_ZnpNf0E/XWctYjqCzeI/AAAAAAABqHo/mtywW51yIEwJ6zjFYTAY5EhpwBR9fkurQCEwYBhgL/s72-c/zanjoe.PNG
The Relatable
https://www.therelatable.net/2019/08/zanjoe-marudo-na-aksidente-habang.html
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/
https://www.therelatable.net/2019/08/zanjoe-marudo-na-aksidente-habang.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy