mIss Universe, Venus Raj
Lahat ng mga tao ay may kani-kaniyang mga problemang pinagdadaanan sa buhay. Lahat tayo ay may kuwento sa likod ng ating mga mukhang pinapakita sa madla. Hindi natin puwedeng ipagkumpara ang ating mga problema sa ibang tao dahil lahat tayo ay may kani-kaniyang lebel ng pagkontrol ng ating emosyon. Ngunit, nasa sa atin kung paano natin haharapin ang mga problema at mga pagsubok sa ating buhay.
Taong 2010 nang muli na namang makapasok ang Pilipinas sa top spot ng Miss Universe. Ito ay dahil sa talino at natural na ganda ng Pinay na si Miss Venus Raj. Siya ang Miss Universe 2010 4th Runner-up. Ngunit sa likod ng kaniyang tagumpay ay may kuwento pala siyang lingid sa kaalaman ng lahat.
Ayon kay Venus, hindi niya raw nakikilala ang kaniyang tatay simula noong siya ay ipanganak. Mula raw sa India ang totoong tatay. Nagkakilala raw ang kaniyang ina at ang kaniyang totoong tatay noon sa Doha, Qatar nang magtrabaho ang kaniyang ina bilang isang Domestic Helper doon.
Hindi raw siya pinanindigan ng kaniyang ama kung kayaÃt inuwi siya ng kaniyang ina sa Pilipinas kung kasaan kasama niya dating lumaki ang kaniyang 4 na mga kapatid sa ina at ang kaniyang lola na isang magsasaka.
Sa testimonya ni Venus, iba raw ang kaniyang pananaw sa buhay sa kaniyang paglaki. Dahil nga lumaki sa isang pamilya na ibaÃt-iba ang mga tatay, naisip niyang normal lang siguro ito sa mga tao. 16 na taong gulang pa lamang siya nang magsimula siyang magkaroon ng nobyo.
Inamin ni Venus na ang lalaking ito ay mas matanda sa kaniyang ng ilang taon. Naghanap raw siya ng pag-aaruga, seguridad, at ng tatay kung kayaÃt ganito ang kaniyang naging sitwasyon noon. Pumasok rin raw siya sa mga immoral na mga relasyon.
Taong 2008 nang siyaÃy pumasok sa Miss Philippines Earth kung saang taon na niyaya rin raw siya ng isang kaibigan na magsimba sa ChristÃs Comission Fellowship. Dito niya raw nalaman ang ebanghelyo.
Bagama't tinanggap niya ang Panginoon sa buhay niya, hindi niya raw naintindihan masyado ang ebanghelyo kung kayaÃt walang nangyaring transpormasyon sa kaniyang buhay.
Taong 2010 naman nang makamit niya ang Miss Universe 2010 4th runner up at doon ay nagsunuod-sunod na ang pag-usbong ng kaniyang karera.
Hanggang sa muli ay napadpad na naman siya sa CCF at doon na niya tinanggap ng buo ang Panginoon at inalay ang kaniyang buhay. Dito na rin nagsimula ang kaniyang pagseserbisyo sa simbahan at sa mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng cell group at pag-aasikaso sa mga kabataan.
Sa ngayon, inamin ni Venus na nakita niya ang totoong pagmamahal nang dahil nakilala niya ang Diyos na hindi niya nakita niya sa kaniyang tunay na ama.
COMMENTS