Amazon, Amazon Fire
Ang Amazon rainforest ay isa sa mga pinakamagandang lugar sa buong mundo. Ito ay napapaligiran ng magaganda at nagtataasang puno, iba't ibang uri ng hayop, at ilog. Ito din ay sinasabing isa sa pinakamalaking rainforest sa buong mundo. Ito din ay sumasaklaw sa paligid ng 40% sa kontinente ng South America.
Ayon sa mga scientists, ang amazon ay mayroon 16,000 tree species, 10 million species ng iba't ibang uri ng mga hayop, at 390 billion na iba't ibang uri ng mga puno.
Dahil sa mga ito, masasabi na ang Amazon rainforest ay isa sa mga importante sa buong planeta, hindi dahil sa bilang ng mga puno na mayroon ito, ngunit dahil sa bilang ng mga hayop na nakatira dito.
Ngunit, nakakalungkot na ang Amazon rainforest ay kasalukuyang nasusunog, at ito ay palala ng palala.
Ayon sa The National Institute for Space Researchers, na ang kanilang datos na ang sunog ay nasa 83%, kompara noong 2018.
Noong Lunes, ang usok na nanggagaling sa apoy ay dinadala sa mga kalapit na lungsod. Ang blackout ay tumagal ng ilang oras at ang mga malalakas na hangin na nagsanhi ng usok na naglakbay ng daang-daang milya.
Base sa mga researchers, natuklasan nila na mayroong 72,000 na sunog sa pagitan ng Enero at Agosto.
Ang sunog na nagyari sa Amazon ay mas mataas kaysa noong 2013. Noong nakaraang linggo, mayroong 9,500 na sunog sa kagubatan.
Ngunit ang mas kinakagalit ng mga tao ay ang pagsisimula ng sunog na ito. Ngayon, maraming tao ang pinupuna at binabatikos ang mga opisyales dahil sinasabi nila na ang pagkasunog ay hindi naman malaking bagay, sinasabi na ang pagkasunog ng kagubatan ay nangyayari palagi at ito din ay kasalukuyang nangyayari ngayon.
Milyong milyong tao sa buong mundo ang nagsasabi na ang Amazon ay dapat protektahan laban sa deforestation. Sinasabi na mayroong 70% na deforestation ang nangyayari sa Amazon.
Ngunit, dapat alam natin na dapat nating protektahan ang rainforest dahil ito ay tinatawag na "Lungs of the Planet." Ito din ay dahil mayroong mahalagang parte sa paggawa ng oxygen at pag absorb ng carbon dioxide kung saan ang lahat ng nilalang ay nakadepende dito para sa kanilang buhay.
Ang Amazon ay pinagkaloob sa atin, at ito din ay isa sa pinakamagandang likha sa buong mundo, kung kaya't ang isa sa ating kayang gawin ay ang protektahan ito kahit ano man ang mangyari at hindi hayaan na tuluyan itong masira.
COMMENTS