Chinchin gutierrez, Madre,
Kilala bilang isang sikat na aktres noon ang anak nina Dr. Dr Hermes Gutierrez, isang botanist, at ng dating madre na si Cecilia Arnaldo si Chin-Chin Gutierrez.
Bilang isang aktres, nabigyan niya ng hustisya ang mga karakter na kaniyang ginampanan sa mga pelikula at programa noon. Pero katulad ng ibang mga tao, dumaan rin si Chin-Chin Gutierrez sa isang malaking pagbabago at tranpormasyon.
Malaking hakbang ang kaniyang pinagdesisyunan na talaga namang bumago hindi lamang sa kaniyang pananaw kundi pati na rin sa uri at pamamaraan ng kaniyang pamumuhay.
Mula sa pagiging aktres, isa na ngayong ganap na madre si Chin-Chin o mas kilala na sa kaniyang pangalan nang siya’y maordinahan bilang isang madre na “Sister Lourdes.”
Marami ang nagtaka at nagulat sa balitang ito at sa katunayan nga’y gumawa pa ito ng ingay sa social media. Marami ang nagtanong kung bakit ito ang napiling landas ni Sister Lourdes.
Ayon kay Sister Lourdes, nagsimula raw ang kaniyang tawag nang makuwestiyon nila sa kanilang klase sa Pilospiya ang katotohanan ng pagkakaroon ng Diyos. Dito, nagkaroon siya ng ideya patungkol sa Panginoon at sa hamon na nais nitong gawin niya.
Isa rin sa mga dahilan ng kaniyang pagmamadre ay nang masunog ang kanilang bahay sa Quezon at matapos lamang ang 3 linggo ay pumanaw ang kaniyang ina. Dahil sa sunod-sunod na trahedya na kaniyang naranasan, isang reyalisasyon ang kaniyang nagpatanto, baka at ito na nga ang hamon at ang tawag ng Panginoon sa kaniya.
Kaya naman, nito lamang naordinahan na si Sister Lourdes bilang isang ganap na madre sa Carmelite Convent.
Malaking hakbang ito sa kaniyang buhay. Isa rin siyang patunay na ang bawat tao, sa kabila ng iyong estado o posisyon sa buhay ay maaaring tawagin ng Diyos upang maglingkod sa kaniya at ialay ang buhay sa pagserbisyo sa Panginoon.
Lahat tayo ay dumadaan sa isang malaking transpormasyon at pagbabago sa ating buhay. Iba-iba ang uri ng pagbabago ngunit sa huli, ang pagbabagong ito ay may malaking epekto sa uri at paraan ng ating pamumuhay at pananaw sa mundo at ng ating paniniwala’t pananampalataya.
COMMENTS