Relief
Hindi lahat sa atin ay pinanganak na mayaman at mayroong nakakain tatlong beses o higit pa sa isang araw, at ang iba sa atin ay nangangailangan ng makakain sa araw araw dahil na nga sa hirap ng buhay. Ngunit, sadya talagang nakakapanghinayang tuwing makakakita tayo ng mga tao na tinatapon lamang ang mga pagkain imbes na ibigay ito sa mga taong nangangailangan.
Kamakailan lamang, ang Facebook page, The Philippine News, ay nag post ng ilang larawan na nag viral sa social media at nakakuha ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.
Makikita sa nasabing post ang iba't ibang uri ng pagkain, noodles, bigas, kape, at sardinas na nahukay sa isang tambakan ng basura sa isang bayan sa Bombom, Camarines Sur.
Marami sa ating mga netizens ang naghihinala na ito ay marahil ay relief good na hindi naka abot sa mga taong may kailangan nito. Makikita rin kung gaano ito karami at sobrang nakakahinayang na makita ito.
Ang iba sa mga netizens ay nagpakita ng galit sa mga taong nagtapon at nagbaon sa mga pagkaing ito imbes na ibigay ito sa ibang taong nangangailangan nito.
And iba naman sa kanila ay nagsabi na imbis na ibigay ito sa mga taong nangangailangan talaga ng pagkain, ay nagawa na lamang nilang ibaon ito.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"Grabe nmn bgo sana nmn tinapon gannyan dipa binigay sa mga nangangaylangan na mga tao,,wala cla mga puso"
"Kahit saan may kampon ng demonyo mag ingat po meron dyan. ..hindi pinamigay sa mga nagugutom. .."
" imbes pinaki nabangan binaon.mga sakim."
"ANG GALING...IMBES N NPAKINABANGAN NG MGA NANGANGAILANGAN INILIBING NLNG,GANIAN NBA KAGANID MGA NSA PAMAHALAAN NGAUN?"
"ANG DATING DSWD NA SI SOLIMAN AT COHORTS NYA ANG MAY PAKANA NYAN ....DAPAT MAKITA ITO NI DUTERTE....MARAMING KABABAYAN NATIN NAGHIHIRAP IPALIBING YONG MGA DONATION?
DAPAT SI DINKY SOLIMAN YONG INILIBING DYAN....MGA WALANGHIYA SALOT SA GOVERNOR?"
COMMENTS